Mga may-ari ng sari-sari store, umaaray sa planong SRP | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga may-ari ng sari-sari store, umaaray sa planong SRP

ABS-CBN News
Published Jan 25, 2018 09:14 PM PHT
|
Updated Jul 25, 2019 01:22 PM PHT

Umalma ang ilang may-ari ng sari-sari store sa balak ng Department of Trade and Industry (DTI) na patawan ng "suggested retail price" (SRP) ang kanilang itinitindang mga pangunahing bilihin.

Tulad ni Jose Legaste na aminadong lagpas sa kasalukuyang SRP ang mga produktong itinitinda sa sari-sari store.

Nasa P18 ang mga sardinas na itinitinda ni Legaste bagama't nasa P12 hanggang P14 lang ang SRP nito.

Ibinebenta naman ni Legaste ang kape sa halagang P22 kahit hanggang P19.70 lang ang SRP.

ADVERTISEMENT
"Wala na akong kita," ani Legaste. "From grocery, mamamasahe pa kami papunta sa 'min."

Ayon naman sa tinderang si May Atal, natural na mas mahal sa SRP ang paninda nila dahil sa supermarket lang ito binili.

Aminado siyang nasa P3 hanggang P6 ang patong niya sa kada kilo ng bigas.

"Kaya nga po nagtayo ng tindahan para may kitain, para kumita araw-araw. Ano na lang kikitain namin kung susundin namin 'yang SRP na 'yan?" banat ni Atal.

Pero nilinaw ng DTI na mas mataas ang SRP na balak nilang ipatupad sa mga sari-sari store dahil alam ng ahensiyang hango lang ito sa mga ahente at supermarket.

Pinaplantsa pa ang magiging SRP sa mga sari-sari stores.

May ulat kasi na malaki ang iminahal ng mga produkto sa mga sari-sari stores bunsod umano ng reporma sa buwis.

Tiniyak naman ng mga manufacturer ng sardinas na mapapako ang presyo hanggang Marso.

Pero kung kukuwentahin, halos piso kada lata umano ang epekto ng pagmahal ng petrolyo sa sardinas.

"Fuel is more than 50 percent, almost 60 percent of the cost of fish," ani Bombit Buencamino, executive director ng Canned Sardines Association of the Philippines.

"Because how do you catch sardines? May fuel 'yon eh," ani Buencamino.

Sapul din ang karneng de-lata na tinataya umanong nasa 12 porsiyento ang magiging dagdag.

Pataas din umano ang presyo ng imported na materyales sa paggawa ng lata kaya tatamaan nito ang presyo ng sardinas at ibang karneng de-lata.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
bilihin
konsumer
hanapbuhay
DTI
Ruth Castelo
sari-sari store
TRAIN law
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT