Target ng gobyerno sa 2019: 1 milyong trabaho | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Target ng gobyerno sa 2019: 1 milyong trabaho

Target ng gobyerno sa 2019: 1 milyong trabaho

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Target ng gobyernong makalikha ngayong taon ng 900,000 hanggang isang milyong trabaho, sabi ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment.

Inaasahan nilang makakalikha ng trabaho ang paghahanda para sa halalan na gaganapin sa Mayo, at sa pag-aarangkada ng infrastructure program na "Build Build Build" ng gobyerno.

Paliwanag ni Bureau of Labor and Employment (BLE) director Dominique Tutay, posibleng malaki ang maidadagdag na trabaho sa retail at services sector sa paparating na eleksiyon.

Kabilang ang mga nabanggit na sektor sa key employment generators o mga industriyang magbibigay ng pinakamaraming trabaho hanggang 2022.

ADVERTISEMENT

Inaasahan din daw ang pagbubukas ng mga trabaho sa sektor ng construction, tourism, logistics, manufacturing, at IT-business process management para sa "Build Build Build" program.

Sa government employment portal na philjobnet, tumaas sa 9,761 ang bilang ng bakanteng trabaho sa gobyerno sa pagsisimula ng taon.

Mga bakanteng posisyon sa gobyerno, ayon sa philjobnet

  • Call center agent - 2,901
  • Domestic helper - 1,220
  • Staff nurse – 776
  • Sales clerk – 587
  • Service crew – 572
  • Market salesperson – 393
  • Salesman – 366
  • Accountant – 306
  • Real estate salesman – 304
  • Finance officer - 300

Makikinabang dito ang ilang naghahanap ng trabaho kabilang ang graduating Business Administration student na si Czarisse Manlangit, na layong maghanap ng trabahong may kinalaman sa marketing o finance.

Inaanyayahan din ni Tutay na sumalang sa government internship program ang mga walang work experience pero nais magtrabaho sa gobyerno.

“Lalo na kung wala pa pong work experience, I would encourage them to take on the government internship program, mga on-the-job trainings po na ino-offer, and in fact kahit po election-related, 'yun pong mga candidates po natin are looking for volunteers,” aniya. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.