ALAMIN: Mga trabaho para sa mga nagtapos ng kursong komunikasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga trabaho para sa mga nagtapos ng kursong komunikasyon

ALAMIN: Mga trabaho para sa mga nagtapos ng kursong komunikasyon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Iginiit ng isang eksperto na maraming trabahong maaaring pasukin ang mga taong nagtapos ng kursong komunikasyon, bukod sa industriya ng mass media at pamamahayag.

Ayon kay Ramon Tuazon, pangulo ng Asian Institute of Journalism and Communication (AIJC), hindi dapat nalilimita sa ilang skill set ang communication.

"Binabasag na rin natin 'yong myth na if you're a graduate of communication, na-li-limit ka lang sa mass media," ani Tuazon.

"They can work in all sectors, they can work in different industries," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) sa core communication competency, kabilang sa mga dapat matutunan ng isang nag-aaral ng komunikasyon ang mga sumusunod:

• Development communication
• Risk, disaster at humanitarian communication
• Knowledge management
• Civic engagement at participatory communication.

Pawang may kinalaman sa pagtulong at pagpapabuti sa kapakanan ng mga tao at ng komunidad ang mga nasabing asignatura.

Ayon sa AIJC, bukod sa mass media at pamamahayag, kabilang sa iba pang trabahong maaaring pasukin ng isang communication practitioner:

• Content development and management
• Digital and online marketing
• Social media management
• Editorial management
• Media and communication planning
• Events management
• Stakeholders relation
• Knowledge management

ADVERTISEMENT

'Flexible'

Kumuha ng kursong communication si Patricia Podolig at nagtapos bilang magna cum laude.

Dahil bihasa siya sa pagbuo ng network at pagpaplano, communication relations manager ang naging trabaho niya.

"Comm graduates are very flexible and we should break the dogma that comm graduates should be limited to just venturing into media, journalism," sabi ni Podolig.

Nasa planning unit ng isang government office sa Quezon City naman si Jire Isles, na nagtapos ng kursong Development Communcation sa University of the Philippines sa Los Baños.

Kapuwa naniniwala sina Podolig at Isles na maraming pinto ang nabubuksan ng kursong komunikasyon na daan sa iba't bang trabaho.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.