Limitasyon sa paglabas ng mga bata nakaapekto na rin sa ilang negosyo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Limitasyon sa paglabas ng mga bata nakaapekto na rin sa ilang negosyo

ABS-CBN News
Published Jan 16, 2021 03:19 PM PHT

MAYNILA - Nalulungkot ang 4 anyos na si Imee dahil hindi na siya makapunta sa paborito niyang fast food restaurant.

At dahil walang bata sa mga lansangan, napilitang magsara ang ilan sa mga negosyong karamihan ay bata ang kustomer gaya ng mga street food stalls.

Kasama na rito si Katherine Dela Cruz, na napilitang magsara ng kaniyang fishball stand na dating nakapuwesto malapit sa isang paaralan.

“Naibenta na rin namin dahil sa walang pera. Ngayon, namasukan na lang ako dito,” ani Dela Cruz, na nagsabing mas mababa ang kaniyang kinikita sa pinapasukang trabaho bilang barbecue vendor.

Sa ngayon, bawal ang mga edad 15 pababa sa lumabas sa mga bahay sa Metro Manila sa ilalim ng pandemic task force guidelines.

Noong Disyembre, pinayagan ng pandemic task force na pumunta sa mga mall ang bata basta may kasamang magulang pero inayawan ito ng mga alkalde sa Kamaynilaan.

Tingin ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, tama na mag-ingat pero iginiit niya na hindi makakabawi ang ekonomiya kung patuloy na lilimitahan ang mga negosyo.

"Because if the family activities don't come back, we cannot expect the economy to also grow like before. As I mentioned, we are a consumption-driven economy and a big part of that is family-driven,” ani Chua.

Una na ring nabanggit ng Department of Trade and Industry na sang-ayon silang luwagan ang age restrictions basta’t nasusunod ang mga health protocol.

“Dahil po diyan, kung tayo ay talagang nagnanais makabalik at maka-recover ang ating ekonomiya, kailangan talagang dahan-dahanin din natin ang pagluluwag pagdating sa age restriction,” ani DTI chief Ramon Lopez.

Ayon sa Department of Health, kailangang gabayan ng mga magulang ang mga anak para hindi sila maapektuhan ng quarantine.

Ayon pa sa DOH mainam na magsagawa ang mga magulang ng mga activity sa bahay para malibang ang mga bata at hindi sila malungkot.

Pero sa ngayon, aminado ang mga ahensiya ng gobyerno na hindi nila masabi kung kailan maaaring luwagan ang age restrictions dahil sa bagong COVID-19 variant.

— Ulat ni Warren De Guzman, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT