P12 minimum fare sa jeep hiling ng mga operator; ilang ahensiya pumalag | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P12 minimum fare sa jeep hiling ng mga operator; ilang ahensiya pumalag

P12 minimum fare sa jeep hiling ng mga operator; ilang ahensiya pumalag

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 10, 2020 06:56 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Pormal na humiling ng P3 dagdag-singil sa minimum fare ng jeep ang mga operator, sa paghahanda sa posibleng taas-presyo ng petrolyo dala ng gulo sa Middle East.

Mula P9, layong itaas ng mga operator ang minimum na pasahe sa P12 dahil sa inaasahang taas-presyo sa produktong petrolyo at paghahanda sa posibleng epekto ng sigalot sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, base sa joint petition na inihain ng mga jeepney operator ngayong Biyernes.

"May commotion na nangyayari at tataas ito at inaasahan namin na aabutin ito nang P50," ayon kay Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines president Zeny Maranan.

Pero ayon kay Energy Undersecretary Bodie Pulido, kaunti lang ang posibleng pagtaas ng presyo.

ADVERTISEMENT

"Wala po tayo kinukuha sa Iran. Kung sakali nga po na magkaroon, ay siguro severe disruption o sa mga dadaanan ng barko," paliwanag ni Pulido.

May nakahanda naman daw ang mga kompanya na suplay sa unang quarter ng taon.

"The market has reflected a bit of increase because of speculation, 'yan po ay analysis ng internatinal think tanks at sa aming analysis," ani Pulido.

Maaari naman daw pag-aralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag-a-adjust ng presyo ng pasahe.

Pero tingin ni chairman Martin Delgra, hindi na kakailanganin ng mga jeepney ang taas-singil pagdating ng kalagitnaan ng taon.

ADVERTISEMENT

Ngayong taon na raw kasi ipapatupad ang jeepney modernization program ng gobyerno.

"Hindi na hihingi ng dagdag-pasahe kung sakali dahil nga malaki ang savings na maidudulot nitong modernization program," aniya.

Buwelta naman ng transport groups, mas mapapagastos sila kung pipilitin ang modernisasyon ngayong 2020.

"Hindi kakayanin ng manufacturer at gobyerno ang pagpapatupad niyan hindi naman gagawa ang manufacturer ng isang unit," ani Maranan.

Giit nina Maranan, kailangan pa ring maghanda sakaling tumaas nang biglaan ang diesel.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.