Presyo ng isda, gulay tumaas sa ilang palengke | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng isda, gulay tumaas sa ilang palengke

ABS-CBN News
Published Jan 04, 2021 05:09 PM PHT
|
Updated Jan 04, 2021 05:19 PM PHT

MAYNILA — Alas-4 pa lang ng madaling araw, nakabukas na ang puwesto ni Zhel Alingasa, na isang dekada nang nagtitinda ng isda sa Tandang Sora Market sa Quezon City.

Doble-kayod si Alingasa sa pagbebenta, lalo't wala raw siya halos kinita noong holiday season.

Nakadagdag pa umano sa pagtumal ng kanilang benta ang pagtaas ng presyo ng ilang isda na kinukuha nila sa mga supplier.

"Sobrang mahal ng presyo ngayon. P300 ang kilo ng galunggong, dati P260, dahil mas malamig ngayon," ani Alingasa.
"Sobrang mahal ng presyo ngayon. P300 ang kilo ng galunggong, dati P260, dahil mas malamig ngayon," ani Alingasa.
ADVERTISEMENT
Narito ang presyo ng isda sa Tandang Sora Market:

- Bangus - P200 kada kilo
- Hipon - P500 kada kilo
- Galunggong - P300 kada kilo
- Tulingan - P260 kada kilo
- Dalagang Bukid - P300 kada kilo
- Bangus - P200 kada kilo
- Hipon - P500 kada kilo
- Galunggong - P300 kada kilo
- Tulingan - P260 kada kilo
- Dalagang Bukid - P300 kada kilo
Pero hindi lang sa Tandang Sora nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng isda kundi maging sa Kamuning Market, kung saan tumaas nang P10 hanggang P20 ang kada kilo ng ilang isda.

Narito ang presyo ng isda sa Kamuning Market:

- Tilapia - P140 kada kilo
- Bangus - P200 kada kilo
- Hipon - P580 kada kilo
- Galunggong - P260 kada kilo
- Tulingan - P300 kada kilo
- Dalagang Bukid - P280 kada kilo
- Tilapia - P140 kada kilo
- Bangus - P200 kada kilo
- Hipon - P580 kada kilo
- Galunggong - P260 kada kilo
- Tulingan - P300 kada kilo
- Dalagang Bukid - P280 kada kilo
Maging ang ilang gulay ay nagtaas presyo, gaya ng mga sumusunod na ibinebenta sa Tandang Sora Market:

- Repolyo - P190 hanggang P200 kada kilo mula sa dating P140
- Carrots - P180 kada kilo mula sa dating P140
- Baguio beans - P150 kada kilo mula sa dating P70
- Talong - P160 kada kilo mula sa dating P120
- Petchay Baguio - P180 hanggang P200 kada kilo mula sa dating P140
- Kamatis - P180 kada kilo mula sa dating P140

Ayon sa Department of Agriculture (DA), nakaapekto kasi sa presyo ng mga isda at gulay ang mga nagdaang bagyo at closed fishing season.

"Unang-una kasi off season ng fishing kapag ganito na taglamig. Kasi dine-declare natin na closed fishing season so mababa ang suplay... Nagi-import naman tayo kaya lang 'yong iba kasi ang laki ng patong nila," ani Agriculture Spokesperson Noel Reyes.

"Karamihan [ng] lowland vegetables at highland vegtables limitado ang suplay dahil sa mga nagdaang bagyo," dagdag niya.

Umaasa naman ang DA na bababa rin ang presyo ng mga bilihin kapag natapos na ang closed fishing season ngayong Enero.

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
bilihin
konsumer
gulay
isda
palengke
price watch
Kamuning Market
Tandang Sora Market
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT