VIDEO: We tried the Bangkok sidewalk eatery famous for its oyster omelette and Michelin badge | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIDEO: We tried the Bangkok sidewalk eatery famous for its oyster omelette and Michelin badge

ANCX
Published Mar 13, 2019 11:09 PM PHT
|
Updated Mar 14, 2019 02:50 PM PHT

Tagahanga, ipinakita ang kanyang mga Nora Aunor dolls

Dabet Panelo,
ABS-CBN News
Published Apr 18, 2025 10:51 PM PHT

Mga manyikang kawangis at kakulay ng yumaong aktres na si Nora Aunor ang nananatiling alaala ng isang tagahanga mula sa Indang, Cavite.

Siyam na taon pa lang si Bayan Patroller Rodrigo Guevarra noong 1970s nang magsimula siyang humanga sa tinaguriang Superstar ng Philippine entertainment industry at National Artist for Film and Broadcast na si Aunor.

Aniya, malaking impluwensya sa kanya ang lola niya na isinama siya sa mga live theater act at sa panonood ng pelikula noon ni Aunor. Kwento niya, madaling araw pa lang ay nakapila na sila noon sa mga sinehan para manood ng mga pelikula ni Aunor na inuulit-ulit nila ng apat hanggang limang beses sa loob ng isang buong araw.

Nagkaroon din ng pagkakataon na makadaupang palad ni patroller ang Superstar pagkatapos manood ng stage play na "Domestic Helper sa Rajah Sulayman Theater sa Fort Santiago noong maagang bahagi ng 1990s. Madalas din aniya siyang dumalo sa mga theater tour at special movie screening kung nasaan si Aunor.

Bata pa si Bayan Patroller Rodrigo ay pinangarap na niyang makapangolekta ng nauso noon na Nora Aunor Dolls pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makabili ng mga manyikang itinuturing na ngayon na collector's item.

Ani Patroller, nabili niya ng P10,000 ang Nora Aunor Doll na mahaba ang buhok at P8,500 naman ang maikli ang buhok na manyika. Bukod sa manyika ay may koleksyon din si Bayan Patroller Rodrigo ng mga libro tungkol sa tanyag na pelikula ni Aunor na "Himala" at commemorative stamps na may mukha ng yumaong aktres.

Sadyang malungkot si Bayan Patroller Rodrigo sa biglaang balita ng pagkamatay ng kanyang idolo ng halos anim na dekada. Hindi pa aniya lubos na matanggap na wala na si Aunor pero lubos naman ang kanyang pasasalamat sa pagbabahagi ng aktres ng kanyang buhay at sining sa kanyang mga tagasubaybay.