“Pag may umangat na taga-UP, mas sinu-suportahan sila kaysa sa taga-TUP. Dati ha...ngayon iba na.” From left, TUP alums Trinidad, Paras, Fernandez, Jarque, Garcia and Doctolero.
Culture Art

The T.U.P. artist has finally arrived

Used to be that all the local art establishment opened their doors to were fine arts grads from UP, UST and FEU—but the arrival of names such as Eugene Jarque, Lynyrd Paras, Dex Fernandez, et al. has finally given the guys from the Ermita campus their due—and their alma mater some well-deserved recognition.
Devi de Veyra | Mar 10 2020

With the classic architecture of its facade, the Technological University of the Philippines stands as a poised presence in the Ermita district. But the polished shell is a world away from its rundown interiors, the walls in need of a fresh coat of paint, floors bruised from the frantic footsteps of students over the years and its present 15,000 or so enrollees. 

But the mood is cheerful despite the dreary surroundings, most especially in the Fine Arts wing where there’s a garden replete with odd installations. While most of the university’s enrollees are drawn to its strong programs in the technical fields, it is the Fine Arts department that put the school in the cultural map. 

TUP Manila has over 15 thousand high school and college enrollees, all of whom are government scholars.

You may also like:

TUP’s golden moment started to unfold in the early 90s, with the arrival of the charismatic Lirio Salvador in Manila’s underground scene.  

Eugene Jarque, an alumnus now teaching part-time at TUP’s Art Department, remembers Lirio’s radical vision already fully formed during the artist’s student days. “Pumasok ako ng TUP nung ‘91, may band na si Lirio nuon, Publiko, na hinahaluan na nya ng performance art. Binuo nya nung ‘91 o  ‘92 yung Intermidya, isang experimental art group na gamit ang mga sculptures nya na musical instruments. Tawag nya sa sculptures na yon, Sandata. Sinama nya ako sa Intermidya as muralist.”

Lirio is the first TUP artist to break through the art world’s snobbish barrier. Though bedridden after a tragic accident in 2011, he continues to inspire the school’s students and graduates through his remarkable body of work. That includes Eugene, who paints apart from teaching, and his partner, Mac Valdezco, both of whom are respected abstractionists.

An exhibition by TUP Fine Arts students.

After Lirio, the next generation of TUP artists continued where he left off. Institutions, galleries and collectors started to take notice of the school’s art students in the early 2000s, when they started to dominate the contests sponsored by Shell, PLDT, GSIS, etc. On a breezy February afternoon, a few of the institution’s illustrious graduates — Joey Cobcobo, Dex Fernandez, Lynyrd Paras, Rasel Trinidad, and Mark Andy Garcia —revisit their campus to reconnect with their teachers, Eugene and Ferdinand “Doc” Doctolero. They reflect on their days as students, their hard journey as artists, their idols, as well as the uncomfortable truths excluded from art world conversations.

 

Walang pera sa art.

Devi: Pag bumabalik kayo dito, proud ba kayo na dito kayo galing? 

Dex : Oo naman.

Rasel: Oo, pag pinapasok ako ng guard . . .  hahaha! 

“Ang feeling ko art installation yung buong school. Bukod sa kalat, walang permanent na upuan,” says Cobcobo.

Devi: Ikaw Joey, nung student ka pa na-inspire ka ba sa TUP campus? 

Joey: Okay naman dito, medyo mahirap lang gumawa. Yung struggle, yun ang nag-inspire sa akin na gumawa ng mas malalim na art. Everytime na papasok ako dito, [feeling ko] parang installation kasi yung buong school. 

Andy: Maraming kalat!

Joey: Bukod sa kalat, wala kang permanenteng upuan. Di mo alam pagpasok mo kung makakakupo ka. Kasi unahan ‘yan.

Dex: Dito namin na-diskubre yung junk art . . . hahaha!

Joey: Tsaka mababait yung mga professor, kasi tatanungin ka anung gusto mong grade. Kadalasan si sir Doc yon.

Doc: Para hindi na ako mag-isip! Hahaha

 

Ang mura ng pagkain. Yung hamburger sa labas P15 lang.

Lynyrd: Yung lunch ko dati sampung piso; isang kanin, kalahating ulam.

Andy: Naalala ko yung sabaw na nakasawsaw yung daliri.

2004 cum laude graduate Joey Cobcobo, who is currently a teacher as well.

Pinili nyo ba ang TUP kasi gusto nyo talaga maging artist, at kilala siya na art school? 

Joey: Mura tuition. Ngayon nga libre na eh.

Rasel: Nagkataon lang na dito ako nakapasa. Hindi ko nga alam na magka-college ako eh. Syempre, nung time na yon, sa pamilyang Pilipino pag sinabing magfa-fine arts ka, sasabihin kagad na wala kang mararating sa buhay mo.

Dex: Walang pera dyan.

Lynyrd: Kalokohan yan.

Eugene: Hanggang ngayon naman eh.

Andy: Hobby lang.

Dex: Hobby na pang-mayaman.

Rasel: Nung panahon na yon kasi sobrang boom ng nursing.

Dex: Tsaka HRM. Akala ko HRM kukunin ko eh . . .  ahahaha. Yon ang linagay ko sa application form.

 

Tapos, ano ang naisip mo na magiging trabaho mo?

Dex: Hindi ko alam! Servant? Hahahaha

Mark Andy Garcia, batch 2005, standing before one of TUP's packed classrooms.

Parang lahat kayo yan ang sinabi ng parents nyo. Pero hindi kayo na-discourage?

Eugene: Pare-pareho kami ng roots eh. Lahat kami galing sa hirap. 

Lynyrd: Para sa akin hindi yon negative eh. Kasi concerned lang sila sayo. Kung baga, kahit sinong magulang alam na hindi yan stable. Patunayan mo lang na mali sila, in a nice way.

Doc: Normal sa kanila yon.

 

Mas ok mag-art kaysa mag-bagger sa SM.

For many years, dominated ang art scene ng UP, Ateneo, UST …

Dex: FEU, tsaka UE din.

Lynyrd: Hinawakan ni Gerry Tan ang Fine Arts ng UE dati.

Dex: Oo, kaya matunog din sila dati.

Students gathered at TUP's CAFA (College Of Fine Arts and Architecture) stage, where most programs are held.

Na-feel nyo ba na may discrimination?  

Lynyrd: Mas binibigyan yung iba ng pansin kaysa sa amin. 

Doc: Tsaka pag may umangat na taga-UP, mas sinu-suportahan sila kaysa sa taga-TUP. Dati ha . . . ngayon iba na. 

Joey: Meron ding issue na painting tsaka advertising major. Pag advertising ka, duon ka lang. “Hindi ka naman painting major eh,” may ganun. Naalala ko pa, isang artist na taga UP, parang tinanung ako, “Ah, advertising ka? Bakit ka nagpipinta?” 

Lynyrd: May nagsabi pa, “Sabagay mas okay mag-art kaysa mag-bagger sa SM.

Joey: Bakit ako nanalo [sa art contest], ikaw hindi? Ginaganun ko na lang. Eh walang napanalunan na contest yan eh, kahit isa. Tapos ang yabang-yabang.

Lynyrd Paras,an irregular student who graduated in 2005, returned to his alma mater to organize on the spot contests for TUP students. Dex and Andy helped by serving as judge, and donating prizes.

Sa tingin nyo yung art contests nakatulong sa inyo?

Lynyrd: Kasi dati, sino ba namang gallery ang magpapa-exhibit ng estudyante? Ang lugar talaga namin sa contest. Dun lang kami nagpu-pursige. Parang unang step, duon muna kami makikipaglaban. No choice, ‘yon ang art scene namin.

 

Tapos marami nang nanalo na taga-TUP. 

Lynyrd: Nung time namin, early 2000, yun yung time na nalagay ang TUP sa mapa, dahil sa mga contest. Parang, sino ‘tong mga ‘to? May mga time kasi na puro taga-TUP ang nanalo. Yan si Andy, lahat ng gasolinahan pinanalo niyan! Shell, Petron, pati na Phoenix. 

Doc: May Phoenix ba?

Lynyrd: Magkakaroon!

Though a UP Fine Arts graduate, Doc, here surrounded by his works, is a full time teacher at TUP since 1990.

May celebration ba sa school pag may nanalo?

Eugene: Simple lang. Nagpapa-tarpaulin naman ang TUP.

Lynyrd: Coco cloth nung time namin, tapos manual yung lettering.

Eugene: Nung time namin, bibili [yung nanalo] ng ulo ng baboy, tapos papa-litson sa bakery.

Lynyrd: May magandang kuwento tungkol kay Andy tsaka kay Dex. Nag-usap kayo dati, nung GSIS contest. Sabi mo (Dex) pag nanalo ka, lilibre mo si Andy ng cell phone. Pag nanalo si Andy, bibilhan niya si Dex naman. Eh nanalo ka (Dex).

Dex: Ang laking pera nun ha . . . 200 thousand.

Andy: Hindi, 100 lang. 

Lynyrd: Pero 80 lang nakukuha natin kasi may tax na binawas.

Dex: Anung unit nga yon? Parang Nokia pa nuon eh. Mahal yon ah.

Lynyrd: May time na first, second, tsaka third lahat TUP nanalo sa GSIS . May tabla pa sa third, TUP pareho. Ganun. Yung on-the-spot contest sa FEU, ganun din. First, second, third, TUP lahat. Maganda pa nuon, wala kaming connection eh. Parang pure talent talaga. Tsaka, unang-una, wala kaming takot, kasi wala namang mawawala sa amin. 

Rasel: Sanay kami sa wala. 

While most enrollees are drawn to the technical fields, it is the Fine Arts department that put the school in the cultural map.

Lahat kayo naging CCP 13 Artists awardee, yung iba may Ateneo Art Awards din. Pero parang ang tagal ni Lynyrd makakuha ng 13 Artists award. 

Dex: Napu-pulitika eh. Di maiwasan.

Lynyrd: Lalo na ako. 

Andy: Ang gulo mo kasi. Ang pangit mo gumawa ng portfolio.

Lynyrd: Di ko siya priority, lahat computer print-out lang portfolio ko for 13 Artists. One time, gf ko pa  gumawa ng portfolio. 

Sinu ba bumubuo ng 13 Artists? 

Doc: Noon si Chabet.

 

Tsaka, iba-iba kayo ng style, maski na magkakasama kayo or classmates kayo. At pareho ang teachers nyo. 

Andy: Yon ang exciting sa amin. 

Lynyrd:  Handa kaming iwan yung style namin pag gusto namin mag-evolve. Hindi kami matatakot na baka hindi na makilala, o hindi na suportahan. Sanay kami na ganun, kasi ang mga professors namin ganun eh.

Dex Fernandez standing in the garden with installations by fine arts students. "Bago lang ‘yan," says Andy Mark Garcia. "Nung time namin mga bato-bato Kang nandyan, tsaka gripo kung san kami nnaghuhugas ng brush." Lynyrd adds, “Ngayon mukha na siyang Pansol."

Pero parang kayo yung mahilig pumorma.

Dex: Syempre kasama sa lifestyle yon!

Lynyrd: Kung ano ikaw, yung gawa mo, ugali mo, tsaka buhay mo, dapat isa lang yan eh. Hindi pwedeng ang galing-galing mo mag-painting tapos itsura mo parang magbabantay ka lang ng computer shop. 

Joey: May beltbag pa. Panukli. 

Lynyrd: Sabi nga ni Joe Strummer, “like trousers, like brain.”

Joey: Akala ko router. Kasi naman computer ang pinag-uusapan eh. Kung minsan lang naso-sobrahan sa porma, sa gawa pangit naman.

Dex: Taga-TUP ba yan?

Joey: Hindi.

Dex: Buti na lang. 

 

Nung nanalo kayo ng mga contest, mas nadalian kayo pumasok ng galleries?

Andy: Nung panahon na yon, mga mid-2000, Big and Small [Art Gallery] lang ang parang open sa mga young artists. Yung ibang galleries, tulad ng Finale, mga sosyal. May mga pangalan na kasi yung kinukuha nila. 

Eugene: Ako sinabihan ng isang gallery  “Come back when you’re famous.” 

Andy: Nagpunta kami ni Dex ng Saudi ng 2005, tapos bumalik kami dito ng 2006. Nung mga panahon na yon kasi hindi naman kami pinapansin ng mga galleries. Pinapansin nila sila Lynyrd lang. Kasi may manager sila, si Joel Mendez [Big and Small founder].

The polished shell is worlds away from its rundown interiors.

Ano’ng ginawa nyo sa Saudi ni Dex?

Andy: Nagpipinta ng pader. Hindi naman art talaga yon eh.

Dex:  Gumagawa kami ng mga faux finishes. House painter … joke! After nun, duon na namin na-desisyonan na mag-full time na kami. May mga gamit na kami eh.

 

Sinong gallery ang supportive?

Lynyrd: West! Secret Fresh.

Joey: Avellana okay din. 

Lynyrd: In terms of pakiki-sama sa artist, West talaga.

Andy: Iba kasi siya, kasi artist din may-ari; madali kausap.

 

Ikaw Lynyrd, may mga nag-reject din sa yo?

Lynyrd: Madami. Syempre pag bata ka pa, wala ka pa namang alam eh, tungkol sa galaw ng art scene. Ang alam mo lang gumawa lang talaga. 

Doc: Tsaka major nila advertising.

 

Si Rasel, parang mabilis yung angat.

Lynyrd: Kasi nung time nila, open na lahat. 

Doc: Suwerte ang mga ‘to. 

Rasel: Pagka-graduate ko, hindi ko din alam sa’n ako pupunta, tapos nakilala ko si Dex. Habang nag-apprentice ako kay Dex, nagpa-part time ako. Nagpupunta ako sa mga mall — sa Alabang — nagde-demo ako ng digital drawing tablet.

Dex: Demo artist. HAHAHA!

Rasel Trinidad wasn't sure about pursuing a life as an artist, until he became one of Dex Fernandez's interns.

Tahimik si Andy. May gusto ka sabihin? Sabihin mo na.

Andy: Hindi ko gusto pag may curator. Hindi masyado. Kasi ang curator taga-sabit lang tapos nakalagay curated by _____. 

 

Baka naman nagsusulat din siya ng artist’s notes?

Andy: Wala akong nabasa na sinulat niya.

Lynyrd: Sa tseke lang [nagsusulat]. Pangalan tsaka number. 

Andy:  Ang curator kasi dapat mula umpisa pa lang katulong sa pag-conceptualize ng show.  

 

May gusto — o ayaw — ba kayo na collector? 

Andy: Dati may point na pag binili ka ng collector na to, parang sikat ka na.

Sino, si Paulino?

Andy: Ayoko magsabi ng name pero parang ganun na nga. Pero dumating yung time na wala ng ganun. Parang, kanya-kanya na. Ngayon marami ng grupo-grupo ang mga collector. 

Eugene: Totoo bang may mafia?

Rasel: Meron! May sarili silang viber chat tapos pinag-uusapan kung sino yung hot. 

 

Sino sa ka-batch nyo yung tingin nyo kailangan bigyan ng pansin?

Lynyrd: Si Neil Arvin Javier, si A.lien.

Andy: Gusto talaga namin si Ryan Rubio ma-recognize.

Students hang out by the corridors.

Sa mga bagong TUP artists, sino naman yung tingin nyo magaling?

Dex: Johanna Helmuth

Lynyrd: Ronson Culibrina, Keb Cerda. Si Doktor Karayom [Rasel Trinidad].

 

Basagin lahat yan. 

Sino yung mga nag-inspire sa inyo na magtuloy, or yung major influence sa art nyo? 

Dex: Contained kami dito. So yung mga nakikita namin, yung mga ahead sa amin, sila Froilan Calayag, sir Jarque, Lynyrd. Feeling namin, proud na proud kami kasi ang gagaling ng mga artists dito.

Lynyrd: Si sir Eugene talaga yung nagturo sa akin tungkol sa art. 

Eugene: Nung college, na-influence ako ni Lirio Salvador. Nung pumasok ako ng first year may mga subjects na kaklase ko siya, kasi parang 10 o 9 years siya sa TUP. Parang lahat halos ng batch nung time namin naging classmate siya.

Doc: Magna siya. Magna-nine years. 

Eugene: Bago kay Lirio, si Coco Bandalan naman, sikat siya sa underground noon. Nabanggit ni Lirio na na-inspire siya sa art style ni Coco. Kaya lang, nabaril si Coco sa Quirino. Magaling yon.

Dex: Ano ang style niya?

Eugene: Parang figurative. Ang pinaka nag-influence din sa amin si Noell El Farol, kasi siya yung may art practice ng time na professor namin siya. Nagstu-studio siya dito sa TUP, tapos pinapabayaan niya kami magtanong kung paano process niya. Head siya ng ilang years tapos kinain ng politics. Sayang…nag-turo din siya sa ibang schools, pero naging bahay niya ‘to eh. Sa kanya, it’s either art or teaching lang siya. Kaya kami talagang nakikinig sa kanya. Tsaka maraming lumabas na painters nung time ni Noell. 

Eugene Jarque is an alumnus now teaching part-time at the Art department.

Parang ang lakas ng influence ni Lirio, na isang student pa lang no’ng time nyo. Paano nangyari yon?

Eugene: Siya, iba eh. May Intermidya group noon, magkakasama music, painting, poetry. Grupo ni Lirio yon. Ini-invite niya yung mga interasado sa art. “O, magperform tayo,” kasi uso noon mga banda nung 90s. “Pero ibahin natin ang alternative scene,” sasabihin nya, “mas iba pa tayo dun.” Yung experimental scene, si Lirio yon. Parang, ‘Basagin lahat yan.’ ‘Yon yung start ng growth, at ng pagsipag sa pag-exhibit. Nag-aaral kami ng music na “mas alternative pa sa alternative”. Pinakilala niya yung ibang movement, Bauhaus, Dada . . .Wala pang Social Media, walang internet. Sobrang busog ng tenga namin. Yung history naman ng art, hindi naman tinuturo sa school. Tinuturo yung basic history, yung impressionist, etc. Yung gusto mo na talaga na hukayin, halimbawa yung experimental, abstract art or expressionist — ikaw na bahala hanapin yon.

 

Lynyrd: Parang malaking tulong sa amin nung wala pang internet, sa totoo lang. Kasi kung may social media at internet na dati, tingin ko maa-apektuhan ang style namin eh. Hindi namin madedevelop ng sa amin lang. 

Eugene: Napakaraming reference online.

Lynyrd: Maguguluhan ka. Pero pag magtambay ka sa studio — dati pumupunta ako sa studio ni sir Eugene —hindi naman gawa ang makukuha mo eh, kungdi yung puso mo, na gusto mo maging artist. Kasi nakikita mo sila, pano sila mabuhay, pano sila gumawa, yung mga shine-share na wisdom — yon ang internet namin dati. 

If these halls could talk: TUP in February.

Bakit parang napaka-advance ng thinking ni Lirio?

Doc: Nakapag-isip na siya kasi ilang years na siya sa kolehiyo.

Eugene: Naluto na niya yung gusto niyang gawin, [maski] wala pang internet nuon. 

Dex: Sa library lang siya. 

Eugene: In short, nung naging kaklase na niya kami luto na sa isipan niya na gusto na niya maging visual artist. Mas madali siya maintindihan, kasi matured na siya. 

 

Ano sa tingin mo, Eugene, ang spirit ng art sa TUP? Paano siya naiba sa ibang schools?

Eugene: Mas maraming puso, mas tunay yung sinasabi na galing sa struggle, galing sa baba. Yun ang difference siguro sa ibang school, na medyo nakaka-angat sila. Hindi nila masyadong ini-intindi yung concept ng struggle. Sa kanila, yung concept ng pinaka-magaling at matalino siguro. Ako nagtuturo kasi gusto ko lang kahit isang pintor sa isang batch, maka-penetrate sa art scene. Ma-alagaan. ‘Yon lang ang role ko sa buhay.

Jarque in one of the Fine Arts rooms: : “Pare-pareho kami ng roots eh. Lahat kami galing sa hirap.”

Marami bang magagaling na mga estudyante ngayon?

Eugene: Meron. Pero ang problema ng estudyante ngayon, pag pinagawa mo sa bahay, hindi mo alam kung kinopya lang nila kasi ang daming reference. Hindi mo alam kung original siya, kung magaling lang siya kumopya o magaling siya mag-isip. Mahirap basahin ngayon yon. Ang technique ko dyan, on-the-spot lagi. Lahat ng plates, dito sa harap ko gagawin. ‘Yan ang struggle sa fine arts ngayon: mahirap sabihin kung sino ang nagsasabi ng totoo, kanino yung may puso, at kanino yung wala. 

 

Photographs by Jilson Tiu