Mga programang naghahatid ng serbisyo publiko | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga programang naghahatid ng serbisyo publiko

Mga programang naghahatid ng serbisyo publiko

Media Serbisyo Production Corporation

 | 

Updated Jan 05, 2024 04:09 PM PHT

Clipboard

Photo source: TeleRadyo Serbisyo
Photo source: TeleRadyo Serbisyo

Mula sa paggising sa umaga, pagpasok sa trabaho at sa eskwelahan, pagbiyahe sa kalsada, hanggang sa pag-uwi sa gabi, kaagapay ang radyo sa pang-araw-araw na buhay ng maraming Pilipino.

Bago pa man dumating ang telebisyon o internet, ang radyo ang nagsilbing tagapaghatid ng mahalagang impormasyon at balita sa mga Pilipino.

Hanggang ngayon, radyo pa rin ang kasama sa mga tahanan, sa pagbiyahe, at inaasahan lalo na sa oras ng kalamidad o kagipitan.

Maliban dito, pinaigting pa ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo ang pakikipag-ugnayan sa mga tagasubaybay sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa serbisyo-publiko para sa bawat Pilipino.

Ang puntahan ng bayan

Isang patunay ng dedikasyon nito sa paglilingkod ay ang agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Layunin ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo na maging 'puntahan ng bayan' para maibahagi ng mga tagapakinig at tagapanood ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

ADVERTISEMENT

Bukod kasi sa paghatid ng balita, nakatuon din sa pagtulong sa mga Pilipino ang mga programa ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo.

Isa na rito ang programang "Tatak: Serbisyo" na mapanonood at mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 am, kasama sina Bernadette Sembrano at Winnie Cordero.

Ang programang ito, kasama ang "Tulong Squad", ay handang tumulong sa iba't-ibang pangangailangan tulad ng trabaho, panggastos sa operasyon o gamot, paghahanap ng nawawalang kamag-anak, tulong sa pag-uwi sa bansa, at iba pa.

Photo source: TeleRadyo Serbisyo
Photo source: TeleRadyo Serbisyo
Photo source: TeleRadyo Serbisyo

Ang "Pasado Serbisyo," kasama si Robert Mano tuwing Sabado ng 4:00 pm, ay nagbibigay tulong at linaw sa paglapit ng mga Pilipino sa mga kinatawan at ahensya ng gobyerno para sa kanilang mga hamon.

Ang programa namang "Ang Tinig N'yo," ay maaaring tutukan tuwing Sabado, 1:30 pm, kasama si Karla Estrada na tumututok sa mga kritikal na isyu sa komunidad, habang naghahandog ng mga praktikal na solusyon na magpapaunlad sa kanilang kabuhayan.

Ilan pa sa mga programang hatid ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo ay ang mga sumusunod:
• "Aprub 'Yan!" kasama si Danny Buenafe tuwing Linggo, 8:00 am – naglalayong bigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtampok sa ating mga kababayan na nangunguna at nangingibaw sa kanilang trabaho.

• "Iwas Sakit, Iwas Gastos" kasama si Dra. Luisa tuwing Sabado, 9:00 am - nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalusugan para maiwasan ang malaking gastusin dulot ng sakit.

• "Safe Space" kasama ang mental health professional na si Tina Zamora tuwing Sabado, 3:00 pm - nagbibigay daan para sa mga manonood na maipahayag ang kanilang mga isyu sa kaisipan at damdamin, at ito'y tutugunan kasama ang mga mental health expert.

ADVERTISEMENT

• "Wais Konsyumer" kasama si Alvin Elchico tuwing Sabado, 11:00 am - tumatalakay sa mga karapatan ng mga mamimili.

• "Panalong Diskarte" kasama sina May Valle-Ceniza at Salve Duplito tuwing Linggo, 9:30 am - nagbibigay ng payo sa paggastos at pag-iipon para sa kinabukasan.

Ang saya ng Pasko

Nais din ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo na maging liwanag para sa mga Pilipino at ipaalala sa kanila na hindi sila nag-iisa, anuman ang kanilang kinakaharap.

Kaya naman noong Disyembre 12, 2023, maagang naghatid ng saya sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Atty. Noel Del Prado, at Lyza Aquino sa mahigit 294 pamilya ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City na nasunugan.

Noong Pebrero 12, 2023, halos 192 pamilya ang natupok ang tahanan sa naturang barangay. Sinundan pa ito ng isa pang sunog noong Hunyo 14, 2023 na nakaapekto naman sa 102 pamilya.

Sa pagnanais na maibalik ang ngiti sa mga residente, naghatid ng Noche Buena gift packs at raffle prizes ang mga anchor. Kaya sa kabila ng mga pagsubok tulad ni Fernando Hernandez na nawalan ng gamit sa sunog at nagpapagamot sa anak na may epilepsy, nakatulong ang programa sa pagbibigay ng kaunting pag-asa para sa mas masaya at maliwanag na bagong taon para sa kanilang pamilya.

December 12, 2023 binisita ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Lyza Aquino, at Atty. Noel Del Prado ang Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Photo source: TeleRadyo Serbisyo

December 12, 2023 binisita ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Lyza Aquino, at Atty. Noel Del Prado ang Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Photo source: TeleRadyo Serbisyo

December 12, 2023 binisita ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Lyza Aquino, at Atty. Noel Del Prado ang Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Photo source: TeleRadyo Serbisyo

December 12, 2023 binisita ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo kasama sina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Lyza Aquino, at Atty. Noel Del Prado ang Barangay Addition Hills, Mandaluyong City. Photo source: TeleRadyo Serbisyo

"Malaking bagay ito sa ating mga kababayan lalo ngayong medyo mataas ang bilihin ng bawat pamilya kaya malaking tulong at talagang pinagpapasalamat ko ito," sabi ni Carlito Cernal, Kapitan ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Bukod dito, halos linggo-linggo ring naghatid ng regalo at saya ang Radyo 630 sa iba't-ibang barangay noong Disyembre.

Maaasahan sa lahat ng panahon

Sa bawat luha, ngiti, kagipitan, o ginhawa, naririto ang DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo para magsilbi, sumama at umagapay sa bawat Pilipino sa lahat ng panahon, saan man sa bansa, o saan mang bahagi ng mundo. Asahan ang mas marami pang mga programa at events ngayong 2024 at sa mga darating na taon para patuloy na maabot at maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

Para sa karagdagang impormasyon at para mapakinggan at mapanood ang mga programa ng DWPM Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo, buksan na ang radyo at ipihit sa AM 630 kHz o tumutok sa Sky Cable channel 26 at mahigit 200 regional cable providers nationwide, TFC, iWantTFC, at TeleRadyo Serbisyo YouTube channel.

NOTE:  BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.