Mga patok na trabaho ng overseas Filipinos sa Gitnang Silangan

BDO Unibank

Posted at Dec 31 2018 12:17 PM | Updated as of Jan 02 2019 12:19 PM

Nananatili ang Gitnang Silangan o Middle East bilang pangunahing destinasyon ng mga overseas Filipinos.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), lima sa 10 lugar na madalas pagtrabahuhan ng mga Filipinos abroad ay matatagpuan sa Gitnang Silangan.

Ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, at Oman sa Gitnang Silangan ang mga bansang nag-aalok ng pinakamaraming trabaho at tumatanggap ng pinakamaraming mga Pilipino.

Ano-ano nga ba ang mga uri ng trabahong dinarayo ng ating mga kababayan?

1. Domestic work
Ayon sa International Labour Organization (ILO) ng United Nations, mahalaga ang ginagampan ng mga domestic worker. Hindi lamang sila tagaluto o tagalinis ng bahay. Sila rin ang nagpapalaki sa mga bata at nangangalaga sa matatanda o may kapansanan. May mga pagkakataon ding sila mismo ang nangangasiwa sa tahanan.

Marami sa mga domestic worker ay matatagpuan sa Gitnang Silangan. Sa tala ng ILO ngayong 2018, isa sa limang domestic workers sa mundo ang nananatili sa naturang rehiyon.

2. Healthcare

Isa ang Pilipinas sa mga bansang hitik sa healthcare professionals sa buong mundo. 

Ang Estados Unidos, United Kingdom, at Gitnang Silangan ang mga tampok na destinasyon para sa mga Pinoy nurse, caregiver, midwife, at doctor.

Sa nagdaang dekada, Saudi Arabia ang pinakamadalas pagtrabahuhan ng mga Pinoy healthcare professionals. 

Kilala ang mga healthcare professional mula sa Pilipinas dahil sa kanilang kadalubhasaan sa larangan, kahusayan sa trabaho, kasanayan sa wikang Ingles, at sa kanilang tunay na pagmamalasakit sa mga pasyente.

3. Construction labor 

Mabilis lumago ang construction market sa UAE, Qatar, Oman, at Egypt. Kasabay ng paglaki nito ang pangangailangan para sa mga manggagawang makatutulong magtayo ng iba't ibang gusali't establisimyento. 

Kabilang sa mga trabahong kinakailangang punan ay machinery operator, metal worker, lineman, truck driver, driller, at construction worker. 

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga overseas Filipinos na kakailangan para sa mga hanapbuhay na ito, lalo na't patuloy ang mga proyekto sa UAE.

4. Skilled construction

Dahil sa patuloy na pag-unlad ng mga industriya, kabilang ang skilled construction worker sa mga pangunahing trabaho para sa mga overseas Filipinos sa Gitnang Silangan. Kabilang dito ang mga plumber, pipe fitter, painter, patternmaker, welder, wireman, pati na rin ang mga supervisor at surveyor.

5. Engineering 

Ang mga inhenyero ang ilan sa mga nakatatanggap ng mataas na sahod na pumapalo sa P60,000 hanggang P100,000 kada buwan. 

Ilan sa mga inhenyerong matatagpuan sa rehiyon ay ang civil at electrical engineers, industrial at mechanical engineers, maging engineering technicians at mining engineers. 

Maaaring punan ng mga Pilipino ang mga pangangailangan na ito sa pamamagitan ng pagsasailalim sa technical-vocational training.

Para naman sa mga overseas Filipinos na nais masulit ang kanilang mga padala, lubos na makatutulong ang isang saving account na sadyang nilikha para sa mga manggagawa sa ibang bansa.

Katuwang ng mga kababayan abroad at ng kanilang mga mahal sa buhay ang BDO Unibank Kabayan Savings Account. Hatid nito ang kakayahang makapagpadala at makatanggap ng pera mula sa ibayong dagat.

Katulong ang mahigit 5,000 Cash Agad partners, mahigit 4,000 BDO ATM, at mahigit 1,000 branches sa buong bansa, pinadadali ng BDO para sa mga benepisyado ang mag-withdraw ng remittance.

Para sa iba pang detalye, maaring bumisita sa link na ito.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.