VIRAL: Angkas na walang helmet, nakipagtalo sa MMDA nang sitahin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Angkas na walang helmet, nakipagtalo sa MMDA nang sitahin

VIRAL: Angkas na walang helmet, nakipagtalo sa MMDA nang sitahin

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 07, 2018 03:21 PM PHT

Clipboard

Viral ngayon ang video ng isang babaeng angkas ng motorsiklo na nagalit matapos sitahin dahil walang suot na helmet.

Sinita at nabigyan na ng ticket ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorcycle rider at angkas niya nang hindi isuot ang kanilang mga helmet habang bumibiyahe sa Visayas Avenue sa Quezon City, nitong Sabado, Pebrero 10.

Pero inulit pa ng dalawa ang paglabag kaya't muli silang nilapitan ng MMDA.

Sa pagkakataong iyon, nagsimula nang tumaas ang tensiyon sa pagitan ng magka-angkas at MMDA.

ADVERTISEMENT

Giit ng magka-angkas, hindi nila maisuot ang helmet dahil nilagyan nila iyon ng biniling ulam.

Tugon naman sa kanila ni Bong Nebrija, MMDA supervising officer for operations, dapat isinusuot ang helmet para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sabay giit ng dalawa, tinatawanan umano sila ng isa sa mga traffic enforcer.

Nagpatuloy ang sagutan ng MMDA at ng dalawang nahuli.

Mas nagpuyos sa galit ang babae nang mapansing nakukuhanan sa video ang insidente.

ADVERTISEMENT

Pero kuha ito sa body-worn camera ng isa sa mga enforcer.

Patuloy ang pagmumura ng babae hanggang sa muntikan pang saktan ang enforcer gamit ang helmet.

Ikinabahala ng MMDA ang insidente.

Paliwanag nila hindi dapat ganito ang pagtrato sa enforcer.

"Kung kayo ho ay violator, sumunod na lang ho kayo sa batas trapiko... ang aming mga enforcers may suot na body camera and for our protection as well, kailangan din naming i-video 'yon for transparency purposes," ani Celine Pialago, MMDA spokesperson.

ADVERTISEMENT

Ayon sa MMDA, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng magka-angkas.

Nahaharap sila sa paglabag ng panuntunan sa pagsusuot ng helmet na may multang P5,000 sa ikatlong opensa.

Umaasa ang MMDA na hindi na mauulit ang ganitong insidente.

-- Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.