Catanduanes kinakapos ng pondo para sa mga nasalanta ni 'Nina' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Catanduanes kinakapos ng pondo para sa mga nasalanta ni 'Nina'

Catanduanes kinakapos ng pondo para sa mga nasalanta ni 'Nina'

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kinakapos na ang pondo ng pamahalaang lokal ng Catanduanes bilang ayuda sa mga nasalanta ng Bagyong "Nina," ayon sa isang opisyal ng lalawigan.

Tinatayang 90 porsiyento ng Catanduanes ang naapektuhan ng bagyo, na tumama noong araw ng Pasko, ani Vice Governor Shirley Abundo sa isang panayam sa DZMM.

Pinakamalubha aniyang napinsala ang bayan ng Bato kung saan unang nag-landfall si Nina na nagpatumba ng maraming bahay, puno, poste ng kuryente at linya ng komunikasyon.

Aminado si Abundo na hindi sasapat ang nalalabing P10 milyon pondo ng pamahalaang lokal para sa pangangailangan ng mga nasalanta.

ADVERTISEMENT

"Kulang po talaga... Kasi iyung mga bahay po sa coastal areas, lalo na po 'yung mga light materials, na-wash out po talaga iyun," sabi ng bise gobernador.

Dagdag niya, wala pa ring kuryente ang buong Catanduanes pero inaasahang maibabalik ito sa mga ospital at tindahan sa loob ng isang linggo.

Patuloy naman aniya ang pagre-repack ng lokal na pamahalaan ng relief goods para maipamahagi sa mga residente.

Nakatakda ring magpadala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng tatlong C-130 aircraft na may kargang tulong habang nangako na rin ng karagdagang ayuda ang Department of Health.

Bibisita rin anya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Catanduanes para alamin ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.

DZMM TeleRadyo, 27 Disyembre 2016

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.