VisMin, Palawan uulanin sa Undas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VisMin, Palawan uulanin sa Undas

VisMin, Palawan uulanin sa Undas

ABS-CBN News

Clipboard

VisMin, Palawan uulanin sa Undas
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Makakaranas ng mga pag-ulan ang Visayas, Mindanao at Palawan hanggang sa Araw ng mga Patay dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni PAGASA meteorologist Glaiza Escullar na magdadala ang ITCZ ng mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa nasabing lugar.

Maaari anyang makaapekto ang ITCZ sa Cataduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon sa Nobyember 1 at 2.

Samantala, makakaranas naman anya ang Cagayan, Isabela at Ilocos Norte ng makulimlim na panahong may mahinang pag-ulan.

ADVERTISEMENT

Inaasahan naman ang mainit na panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, ani Escullar.

Dagdag ng weather forecaster, isang low pressure area (LPA) ang maaaring mabuo sa labas ng Philippine area of responsibility ngayong Linggo at posibleng pumasok sa bansa sa mismong Undas. -- DZMM TeleRadyo, 30 Oktubre 2016

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.