Tatlong bata, kabilang sa mga nadaganan ng cement mixer | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatlong bata, kabilang sa mga nadaganan ng cement mixer

Tatlong bata, kabilang sa mga nadaganan ng cement mixer

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2017 12:42 AM PHT

Clipboard

Tatlong bata, kabilang sa mga nadaganan ng cement mixer
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

(UPDATED) Isa ang patay at apat ang sugatan nang madaganan ang isang kotse ng tumagilid na cement mixer sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Naisugod pa sa Metro North Medical Center and Hospital bago nasawi ang driver ng kotse.

Halos dalawang oras ang lumipas bago tuluyang naalis ang driver ng kotse mula sa pagkakaipit.

Ayon sa ulat ni Raya Capulong ng DZMM, noong una'y iginagalaw pa ng driver ang kaniyang kamay na tila sumesenyas ng paghingi ng tulong.

ADVERTISEMENT

Nasa Metro North Medical Center and Hospital at Quezon City General Hospital ang apat pang sakay ng kotse, kabilang na ang tatlong bata.

Sa naunang panayam ng DZMM kay Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi niyang may nakuha silang dalawang nasawing biktima mula sa kotse.

Base naman sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang cement mixer nang sumampa ito sa center island bago tumagilid sa katabing kotse.

Nangyari ang insidente sa tapat ng Bureau of Jail Management and Penology.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Traffic sector 6 ang driver ng cement mixer.

Sinisiyasat na rin ng mga awtoridad kung bakit bumibiyahe ang cement mixer gayong may "total truck ban" mula EDSA Magallanes hanggang North Avenue, Quezon City, maliban na lang kung Linggo at holidays.

Dahil naman sa insidente, tumukod ang trapiko sa southbound lane ng Mindanao Avenue at sa bahagi ng Congressional Avenue.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.