Nene, hinihinalang ginahasa at pinaslang ng 13 anyos na suspek

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2017 08:11 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Patay ang limang taong gulang na batang hinihinalang ginahasa rin ng 13 anyos na suspek sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakita ang bangkay ng batang babaeng si alyas 'Mika' na nakasilid sa sako ng bigas na iniwan sa damuhan. May nakapulupot na cable wire at strap ng bag sa leeg ng biktima.

Kuwento ng ina ng bikima, naglalaro lang ang anak nang mapansin nilang biglang nawala ang bata.

Nalaman na lang nang suriin ang CCTV sa lugar na sinundan pala ni 'Mika' ang 13 anyos na kuya ng kaniyang kalaro na papasok sa bodega ng bahay ng suspek.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas ang binatilyo na bitbit ang isang sako pero wala na ang bata.

Hawak na ng pulisya ang binatilyo na ayon sa kanila, hindi gumagamit ng droga.

Ayon sa hepe ng San Jose del Monte Bulacan Police, hindi umamin sa krimen ang suspek pero umiiyak umano nang tanungin kaugnay sa insidente.

Iniimbestigahan din kung ginahasa ang biktima dahil may mga sugat sa ari ang bata at may pinasok din umano sa kanyang puwitan.

Nananawagan ang pamilya na mabigyan ng agarang hustisya ang pagkamatay ng bata.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.