Pagtanggal ng brand name ng gamot sa reseta, tinalakay sa Kamara | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtanggal ng brand name ng gamot sa reseta, tinalakay sa Kamara

ABS-CBN News
Published Feb 11, 2018 04:40 PM PHT
|
Updated Aug 15, 2019 12:43 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinimulan na ng Kamara ang floor deliberations para sa panukalang mag-aatas sa mga doktor na limitahan ang kanilang reseta sa generic na gamot na mas mura kaysa sa branded.

Sinabi ngayong Linggo ni Quezon Rep. Angelina Tan, may akda ng naturang panukala, na layon ng House Bill 6332 na amyendahan ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicine Act of 2008.

Sa ilalim kasi aniya ng kasalukuyang batas, maaaring parehong ilagay ng medical at dental practitioners ang generic na pangalan ng gamot at inirerekomenda nilang brand nito.

"Dahil may nakasulat na brand name, ang nangyayari, iyung mga brand name ang hinahanap at kinukuha nila (mga konsumer). Most of the time, ito po ang mga mas mahal na gamot," ani Tan sa panayam ng DZMM.

ADVERTISEMENT
Bukod dito, layon din aniya ng panukala na bumuo ng isang drug regulation board na magtatakda sa retail prices ng mga gamot.

Magkakaroon din aniya ng kapangyarihan ang grupo para imbestigahan ang mga kaso ng hoarding ng gamot at pagmanipula ng presyo nito.

DZMM, 11 Pebrero 2018
Read More:
DZMM
tagalog news
laws
legislation
medicine
generic medicine
health
Angelina Tan
House of Representatives
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT