KILALANIN: Magkapatid na tumira ng 2 taon sa kuweba | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Magkapatid na tumira ng 2 taon sa kuweba

ABS-CBN News
Published Jun 14, 2016 09:31 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dalawang magkapatid ang tumira ng dalawang taon sa loob ng isang kweba sa Sipocot, Camarines Sur.

Tumira si Juan Garaña, Jr., kapatid na si Jason at kanilang ama sa kweba matapos masira ng Bagyong Glenda ang kanilang bahay noong 2014.

Walang maayos na tulugan at hirap sa pag-aaral noon ang magkapatid dahil kailangan nilang maglakad ng 30 minuto sa bukid bago marating ang paaralan.

Para makapag-aral nang mabuti ang mga anak, nagpasya ang ama ng mga bata na si Juan na lumipat silang mag-anak.
Para makapag-aral nang mabuti ang mga anak, nagpasya ang ama ng mga bata na si Juan na lumipat silang mag-anak.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, pansamantala silang nakatira sa day care center ng kanilang barangay habang hinihintay na matapos ang pinapagawang bahay na mula sa mga donasyon.

Sa unang araw ng pasukan nitong Lunes, maagang gumising ang mag-ama.

Nag-almusal at naghanda ng baon at gamit sa eskwela ang magkapatid bago naligo sa batis kasama ang ama. Pagkatapos nito, ilang minuto lang na naglakad ang magkapatid patungo sa eskwelahan.

Masaya si Juan Jr. dahil malapit na lang ang kanilang paaralan.

Grade 5 na siya habang Grade 6 naman si Jason sa Manangle Elementary School.

Matapos ihatid sa paaralan ang mga anak, nangangahoy naman sa bukid si Tatay Juan. Sa kabila ng hirap, pursigido siya na makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.

Gustong maging sundalo ni Juan Jr. habang nangangarap naman maging pulis si Jason.

- Umagang Kay Ganda, 14 Hunyo 2016
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT