PANOORIN: Mga dating tambayan ni Rizal sa Espanya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Mga dating tambayan ni Rizal sa Espanya

ABS-CBN News
Published Jun 20, 2017 05:05 AM PHT
|
Updated Jun 20, 2017 04:24 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa ika-156 na kaarawan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, silipin ang kanyang naging buhay sa Madrid kung saan nabuo ang kanyang hangarin para sa isang malayang Pilipinas.

Dumating sa Espanya si Jose Rizal noong 21 taong gulang pa lamang siya para mag-aral noong taong 1882.

Sa sentro ng Madrid naglagi ang binatilyo para makatipid sa transportasyon.

Sinasabing siyam na beses siyang nagpalipat-lipat ng boarding house dahil madalas kinukulang ang kanyang pambayad sa renta at hindi dumarating sa oras ang kanyang allowance mula sa Pilipinas.

Sa Hotel Ingles, na isa na lamang garahe ngayon, unang nakilala at hinangaan ang batang si Rizal sa Espanya.

Isang oras siyang nagtalumpati roon para kilalanin ang pagkapanalo nina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa international painting competition.

"He made a famous speech, all intellectuals admired him," ani Don César Navarro de Francisco, presidente ng Ateneo de Madrid.

Ikinuwento naman ni Perla Primicias, miyembro ng Knights of Rizal sa Madrid, ang kahalagahan sa buhay ni Rizal ng Plaza de las Cortes sa harap ng Congreso de los Deputado noon.

"Ang mga Filipinos they would come here and talk and present their political reforms they were asking from the Spanish government. Alam niya [Jose Rizal] na ang Filipino people were not yet mature enough to govern themselves. He wanted independence not through violent reforms but through peaceful reforms,'' aniya.

Isa sa pinakalumang gusali sa Calle del Prado ang Ateneo de Madrid.

Hindi ito isang paaralan kundi grupo ng mga intelektuwal sa Espanya at naging miyembro nito ang pambansang bayani ng Pilipinas mula nang binuo ito taong 1885. Dito rin natuto si Rizal ng salitang Ingles.

Siyam na miyembro ng Ateneo ang naging presidente ng Espanya at dalawa ang nanalo ng Nobel prize.

Sa isang gusali sa Calle de Atocha, nailathala ang La Solidaridad taong 1889. Ito ang pahayagan na naging boses ng mga Pilipino para maitaguyod ang mga nilalayon nilang reporma mula sa Espanya.

Sa Viva Madrid ang bar kung saan kumakain at umiinom ng vino si Rizal kasama ang mga kapwa Pilipino, at pinagdidiskuyunan ang hinaharap ng inang bayan. May marker ang gusali biglang pagkilala sa naging sikat nitong kostumer.

Tulad sa Luneta, may monumento rin sa Madrid si Rizal na itinayo noong 1996 bilang pagkilala sa mga adhikain ng pambansang bayani.

--Ulat ni Ces Oreña-Drilon, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT