NDFP, itinangging utak sa masaker ang mag-asawang Tiamzon

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2016 11:38 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga pinag-uusapan ngayon sa Oslo nina CPP founding chairman Jose Maria Sison at incoming peace adviser Jesus Dureza ang pagpapalaya sa mga political prisoner. Kabilang dito ang mga taong minsang tinawag ng gobyerno na "most wanted" at pinatungan pa ng milyon-milyong pisong pabuya. Pero ayon sa Kaliwa, gawa-gawa lamang ang mga kaso. Inalam ni Gigi Grande kung sino ang maaring mapalaya kaugnay ng peace talks, sa unang bahagi ng kanyang investigative report. TV Patrol, Miyerkules, Hunyo 15, 2016