Kapamilya shows, humakot ng parangal sa 38th CMMA

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2016 10:30 PM | Updated as of Oct 05 2017 05:03 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Muling humakot ng awards ang mga Kapamilya shows sa ika-38th Catholic Mass Media Awards. Binigyang parangal ang mga seryeng "Be My Lady" at "Ang Probinsyano," pati na rin ang talent contest na "Dance Kids." 

Sa News and Current Affairs naman ay nagwagi ang "Failon Ngayon" at ang dokyumentaryo na "Warmer" ni Atom Araullo. 

Maging ang Christmas Station ID ng ABS-CBN na "Thank You For The Love" ay kinilala rin. 

May special citation naman para sa TV magazine ang "Tapatan Ni Tunying" ni Anthony Taberna. Panalo rin ang ilang Kapamilya radio shows. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.