Si Gong Yoo, kanyang 'look-alike', at fan girl Anne Curtis

ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 01:18 AM | Updated as of May 09 2017 01:32 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nakaharap na ni Kuya Kim ang sikat at award-winning na bida ng Korean drama na 'Goblin'. 

Ito ay matapos kumalat sa social media ang litratong pinagkukumpara ang 'Train to Busan' star at si Kuya Kim. 

Naganap ang pagkikita nitong nakaraang Biyernes sa isang programang nagbigay-daan para makita ng mga fans ang idolo nila. 

At isa sa mga fans na natupad ang pangarap na makita si Gong Yoo ay si Anne Curtis. 

Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes si Gong Yoo sa 'Goblin', matapos ang 'A Love to Last'. 

Samantala, mapapanood ang buong interview ni Kuya Kim sa 'Matanglawin'. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.