Estudyante, lumilikha ng laruan mula sa recycled materials | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyante, lumilikha ng laruan mula sa recycled materials

Fay Virrey,
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2017 08:37 PM PHT
|
Updated Mar 27, 2017 08:39 PM PHT

LIPA CITY – Sa unang tingin, aakalaing gawa ng propesyunal ang mga laruang sasakyan na nakakuha ng pansin ng mga guro sa Lodlod National High School, ngunit ang mga ito ay gawa ng isang estudyante.

Bumubuo ng mga laruang punung-puno ng detalye ang Grade 9 student na si John Paul Valencia.

Ani Rodel Maralit, guro ni Valencia, minsan ay wala sa klase ang estudyante—ayun pala ay ibinubuhos nito ang panahon sa kanyang “hidden talent.”

Noong una ay gusto lang umano ni Valencia na magkaroon ng mga laruang pang-display sa kanilang bahay. Pero kalaunan, nakakuha na ito ng atensyon sa mga guro sa kanilang paaralan.

Marami umanong pinagdadaanan ang mga ginagawang sasakyan bago matapos. Una na rito ang pagbuo ng kosepto.

"Pinipicturan ko po iyong mga sasakyan tapos ginagaya ko po," ani Valencia.

Mula sa mga gamit nang karton o cardboard ang mga sasakyang gawa ng estudyante. Ang mga gulong naman ay galing sa mga lumang laruan ng kanyang mga pinsan.

Isa sa mga paboritong gayahin ni Valencia ay ang mga sasakyan ng mga pulis. Gusto raw kasi niyang maging isang pulis balang-araw, tulad ng pinsan niyang “matalino at magaling.”

Bata pa lang ay nakitaan na umano ng tatay ni Valencia na si Carlito na may hilig sa pagbubutingting ang kanyang anak.

Kaya naman nang malaman niyang naibebenta ng anak ang mga ginagawang laruan ay proud na proud siya dito. Malaking tulong din kasi ito sa kanila, lalo na kapag wala siyang maipabaon sa kanyang anak.

Sa ngayon ay gumagawa pa rin si Valencia ng mga laruang sasakyan. May ilang bumibili sa kanya ng mga ito, para rin maipang-display sa kanilang mga bahay.