Ilang atleta, dismayado sa resulta ng bakbakang Pacquiao-Horn | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang atleta, dismayado sa resulta ng bakbakang Pacquiao-Horn

Ilang atleta, dismayado sa resulta ng bakbakang Pacquiao-Horn

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA – Magkahalong gulat at pagkadismaya ang naramdaman ng maraming taga-hanga ni Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao matapos nitong isuko ang kanyang WBO welterweight title kontra sa mas batang si Jeff Horn sa Brisbane, Australia Linggo.

Bagamat nagpakita ng impresibong laban si Pacquiao, hindi ito naging sapat sa mga mata ng hurado, dahilan upang yumuko sa bisa ng unanimous decision pabor kay Horn.

Hindi nagustuhan ng maraming netizens, kabilang na ang ilang mga sikat na personalidad sa iba’t ibang larangan, ang naging resulta ng bakbakan ng dalawang boksingero.

Para sa karamihan, si Pacquiao ang malinaw na nanalo sa laban batay na rin sa inilabas na sariling datos ng ESPN. Makikita sa scorecard ng ESPN na mas maraming nai-konektang suntok si Pacquiao kumpara sa katunggali.

ADVERTISEMENT

Sa mga tweet nina Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, beteranong sports analyst na si Bill Simmons, at dating NBA champion Chauncey Billups, maituturing na pagnanakaw kay Pacquiao ang nangyari.

Kinuwestyon din ng ilang kilalang atleta sa mundo ang pagbibigay puntos ng mga naging hurado sa laban. Ayon Aaron Rodgers na American football quarterback ng Green Bay Packers, mukhang ibang sagupaan ang pinapanood ng mga hurado.

Naniniwala naman si Norris Cole ng Oklahoma City Thunder na “luto” ang naging resulta ng bakbakan na pumabor sa Australyanong boksingero.

Ibinahagi naman nina Gretchen Ho, Magoo Marjon?, at DeMar DeRozan ng Toronto Raptors ang datos na inilabas ng ESPN sa bilang ng suntok na pinakawalan ng dalawang manlalaro kung saan makikitang malayo ang lamang ni Pacquiao.

Hindi rin naitago ni NBA star Kobe Bryant ang pagkabigla sa naging resulta ng Pacquiao-Horn bout nang mag-post ito na isang GIF at gamit ang #PacquiaoHorn. Para naman kay Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves kabastusan kay Pacquiao ang naging iskor sa laban.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.