OFW na namatay sa Saudi, minaltrato? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OFW na namatay sa Saudi, minaltrato?
OFW na namatay sa Saudi, minaltrato?
Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2017 10:47 PM PHT
|
Updated Nov 03, 2017 03:10 AM PHT

CAMARINES SUR –Duda ang pamilya ng isang Pilipinang namatay sa Saudi Arabia na sakit ang ikinamatay nito dahil may mga pasa umano ang katawan ng babae.

Dumating na nitong Huwebes dito ang bangkay ng overseas worker na si Ana Fe Velasco Bania mula Saudi Arabia, matapos itong pumanaw noong Setyembre 29.

Umalis ng Pilipinas si Bania noong nakaraang taon upang magtrabaho sa Riyadh. Patapos na sana ngayong Disyembre ang kaniyang kontrata at desidido na umano itong umuwi ng Pilipinas.

Kasama sa mga bagahe ng 38-anyos na OFW ay ang death certificate nito na nagsasabing stroke o acute cerebrovascular accident ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

ADVERTISEMENT
Ngunit duda ang pamilya ni Bania sa dahilan ng pagkamatay niya.

Noong Oktubre 4 kasi, natanggap ng asawa ni Bania na si Ferdinand ang isang video mula sa kaibigan ng misis na umiiyak at humihingi ng tulong umano si Bania dahil may sakit raw siya at minamaltrato umano ng amo.

“Naawa po ako sa kaniya. Iniisip ko bakit ngayon lang kung kailan patay na siya saka lang lumabas yung video,”ani Ferdinand.

Dagdag pa ng ina ni Bania na si Francia Velasco, posibleng minaltrato umano ang kaniyang anak dahil may mga pasa umano ang katawan nito nang makita niya sa punerarya.

“Naawa po ako sa kanya… May mga pasa sa tagiliran, dito sa tuhod," ani Velasco.
“Naawa po ako sa kanya… May mga pasa sa tagiliran, dito sa tuhod," ani Velasco.
ADVERTISEMENT
Kuwento ni Velasco, mabait umano ang tunay na amo ng kaniyang anak ngunit noong Setyembre 23, nalaman nila na hiniram umano ang kaniyang anak ng kaibigan ng amo nito at nakiusap na 3 araw pagtatrabahuin si Bania.

Umabot na umano ng 6 na araw at hindi nakabalik si Bania. Hinanap umano si Bania ng orihinal na amo ngunit natagpuan na lamang itong patay sa ospital.

Umaasa ng tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pamilya Bania na imbestigahan ang nangyari sa kaniya.

“Kung talagang mapatunayan po na minaltrato siya dun, mabigyan po ng katarungan ang pagkamatay niya. Sana po maparusahan ang gumawa,” ani Ferdinand.