Isinusulong sa Taiwan: Gawing 'permanent resident' ang dayuhang manggagawa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isinusulong sa Taiwan: Gawing 'permanent resident' ang dayuhang manggagawa

ABS-CBN News
Published May 22, 2018 09:28 PM PHT

Isinusulong ngayon ng Taiwan ang isang bagong immigration policy na mas lalo pang hihikayat sa foreign workers na magtrabaho at manatili sa Taiwan.

Ayon sa Central News Agency, ang opisyal na news agency ng Taiwan, ito ay para matugunan ang problema sa kakulangan sa manggagawa na dulot ng kanilang bumabagsak na populasyon.

Nasa 218,000 kasi ang "manpower shortfall" o kulang na manggagawa ng Taiwan at 55 porsiyento nito ay medium-skilled jobs.

Kabilang sa medium-skilled jobs ang mga professional, mga technical assistant sa mga machine operator, drivers, at skilled assembly line workers.

Sa ilalim ng panukala, papayagang magtrabaho sa Taiwan ang foreign students at magkakaroon ng pagkakataong maging permanent resident ang foreign workers na nakapagtrabaho na sa Taiwan ng hindi bababa sa anim na taon.

Sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), noong 2010 ay nasa 30,000 lang lahat ng Pinoy workers sa Taiwan.

Ngayon, mahigit doble na ito at pumalo na sa 65,000 ang bilang.

Ayon sa POEA, magandang balita ito sa mga Pinoy worker, pero may kaakibat ding negatibong epekto sa Pilipinas.

"'Brain drain' kasi kulang na tayo sa professionals and skilled workers natin sa Philippines," ani POEA Administrator Bernard Olalia.
Para naman sa ilang Pinoy worker tulad ni Pinky de Leon na tatlong beses nang pabalik-balik bilang factory worker sa Taiwan, plano niyang magtrabaho nang matagal sa Taiwan lalo na kung gagawin na silang permanent resident.

"Healthy living po kasi sa Taiwan... OK naman po ang sahod," ani de Leon.

Ayon naman sa isang migration expert na si Emmanuel Geslani, mataas ang posibilidad na maisabatas ang panukala dahil dito rin nakasalalay ang tuloy-tuloy na paglago ng ekonomiya ng Taiwan.

"There is a strong possibility that the bill proposed will be approved by the legislature for the continued economic progress of the country," saad ng pahayag ni Geslani.

Sa mga pinakahuling report sa Taiwan, nananatili pa ring panukala ang bagong immigration policy.

Inaasahang maipapasa ito ng kanilang mga mambabatas sa Setyembre.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Zen Hernandez
balita
hanapbuhay
Taiwan
overseas Filipino worker
OFW
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT