Hinihinalang mangangaso, patay nang lapain ng mga leon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hinihinalang mangangaso, patay nang lapain ng mga leon

Hinihinalang mangangaso, patay nang lapain ng mga leon

ABS-CBN News

Clipboard

Stock Photo

Nilapa ng mga leon ang isang hinihinalang mangangaso malapit sa Kruger National Park sa South Africa, ayon sa pulisya roon.

Nakita ang ilang bahagi ng katawan ng biktima sa may talahiban ng isang pribadong game park sa Limpopo, isang probinsiya sa hilaga ng South Africa.

"It seems the victim was poaching in the game park when he was attacked and killed by lions. They ate his body, nearly all of it, and just left his head and some remains," ani Limpopo police spokesman Moatshe Ngoepe sa panayam ng Agence France-Presse.

(Mukhang nangangaso ang biktima nang atakihin siya at lapain ng mga leon. Halos kinain ang buong katawan niya at tanging ulo at ilang bahagi ng katawan ang natira.)

ADVERTISEMENT

Nakita rin malapit sa bangkay ang isang baril na pangaso.

Tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng biktima.

Noong nakaraang taon, ilang leon ang nilason sa parehong probinsiya kung saan natagpuan ang bangkay.

Pugot ang mga leon at wala na ring paws.

May mga gumagamit pa rin kasi ng mga katawan ng leon sa panggagamot.

Bukod sa leon, mainit din sa mga mangangaso ang mga rhinoceroses dahil sa horn o sungay nito.

Mabenta ito sa Tsina, Vietnam at iba pang bansa sa Asya dahil sa paniniwalang nakagagamot ito ng mga karamdaman.

© Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.