OFW na may 23 na amo at isang taong di pinasahod, humingi ng tulong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OFW na may 23 na amo at isang taong di pinasahod, humingi ng tulong

ABS-CBN News
Published Feb 07, 2018 04:30 PM PHT
|
Updated Aug 08, 2019 05:55 PM PHT

Humihingi ng tulong ang kaanak ng isang household service worker na may isang taong nang di pinapasahod ng employer sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Lilian Escalora, tiyahin ni Mary Jane Abogadie, tapos na ang kontrata ng kanyang pamangkin noon pang taong 2016.

"Nanghihingi na siya ng tulong sa amin kasi po ayaw paalisin ng amo niya. Ayaw pauwiin ng amo niya tapos wala siyang sahod," kuwento ni Escalora sa programang Lingkod Kapamilya sa DZMM.

Maliban sa di pagpapasweldo, mag-isa lamang umano si Abogadie sa bahay na nagsisilbi para sa 23-katao.
Maliban sa di pagpapasweldo, mag-isa lamang umano si Abogadie sa bahay na nagsisilbi para sa 23-katao.
ADVERTISEMENT
"Nagiisa lang siya doon. Nag-aalaga ng matanda, bata...malaking pamilya, malaking bahay up and down," sabi ni Escalora.

Nagawa na rin umanong humingi ng tulong ni Abogadie sa embahada sa Riyadh, pero hanggang ngayon ay nasa bahay pa rin siya ng kanyang employer.

Pangako umano sa kanya ng kanyang employer na pauuwiin kapag dumating na ang dalawang kapalit na kasambahay.

Hindi rin umano sapat ang ipinapakain sa kanya at ikinukulong din siya ng kanyang amo.

Nangako naman si Welfare Officer Josephine Tobia ng Overseas Workers Welfare Administration na tutulungan ang OFW.

"Ang gagawin natin ay ipahanap sa POLO-OWWA yung kanyang FRA (Foreign Recruitment Agency) para matunton at maialis na siya sa kanyang amo para ma-expedite ang kanyang repatriation," sabi ni Tobia.

Ipapatawag din nila ang Philippine recruitmen agency ni Abogadie para maberipika kung anong nangyari at bakit nagtagal siya ng isa pang taon ng walang kontrata sa kanyang amo.