OFW sa Oman, kulong sa alegasyong nagnakaw sa amo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW sa Oman, kulong sa alegasyong nagnakaw sa amo

OFW sa Oman, kulong sa alegasyong nagnakaw sa amo

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 01, 2017 08:46 PM PHT

Clipboard

Dalawang linggo nang nakakulong ang overseas Filipino worker
(OFW) na si Hazel Marcelino sa Oman matapos umanong mapagbintangang kasabwat ng mga katrabahong nagnakaw sa amo.

Kuwento ni Marlyn Marcelino, ina ni Hazel, magbibitiw na sana sa trabaho ang kaniyang anak bilang sales and marketing agent sa isang tindahan ng damit sa Oman.

Pero kinasuhan siya ng kaniyang amo sa alegasyong kasabwat si Hazel ng dalawang kasamahang Pinoy na nagnakaw umano ng ilang gamit mula sa amo.

Tumakas sa trabaho ang mga kasamahan ni Hazel.

ADVERTISEMENT

Nananawagan ngayon ng tulong ang pamilya ni Hazel para malinis ang kaniyang pangalan at makalaya sa kulungan.

May mga ginagawang hakbang na rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa agarang paglutas ng kaso ni Hazel.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.