7 patay sa massacre sa Antipolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 patay sa massacre sa Antipolo
7 patay sa massacre sa Antipolo
RIZAL (UPDATED) — Patay ang pitong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos pagsasaksakin ng may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhang panaderya sa Barangay Cupang, Antipolo City nitong Martes, ayon sa pulisya.

Ayon kay Police Colonel Felipe Maraggun, director ng Rizal Provincial Police Office, nadiskubre ang mga bangkay na naliligo sa dugo bandang alas-7 ng umaga matapos makarinig ang isang mamimili ng tila humihingi ng tulong.

"Halos magkakadikit sila sa isang sala, at ang iba ay nasa kuwarto din," sabi ni Maraggun sa isang media briefing.

"Imagine, pito po ‘yong biktima natin. Tinitingnan natin kung sila’y natutulog noong insidente o kung may struggle."
"Imagine, pito po ‘yong biktima natin. Tinitingnan natin kung sila’y natutulog noong insidente o kung may struggle."
ADVERTISEMENT
Una nang sinabi ni Maraggun sa TeleRadyo Serbisyo na nangyari ang krimen matapos umanong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

MGA BIKTIMA HUMINGI PA UMANO NG TULONG
Kuwento ng residente na si Sammy Andres, "Bibili sana ako ng pandesal, pero walang tao. Parang may umuungol sa loob."

"May nakita akong dugo… kaya tumawag na ako ng barangay."

May mga ulat na may tumatawag ng tulong mula pa alas-11 ng gabi nitong Lunes, ngunit hindi ito agad inaksyunan ng mga residente, ayon kay Lt. Col. Ryan Manongdo, acting chief ng Antipolo City Police.

"No’ng umaga na lang nakaresponde ang sitio chairman at rescue. Naabutan pa nila na may hininga pa, pero binawian din ng buhay sa rescue ambulance," dagdag ni Manongdo.

Matapos ang krimen, tumakas ang suspek pero kalauna’y kusang sumuko sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Sinundo rin siya doon ng Antipolo City Police para ilipat sa kanilang kustodiya.

SUSPEK NAKAINOM UMANO
Sa panayam, sinabi ng suspek na "self-defense" lang ang kanyang ginawa.

"Binantaan kasi nila ako," ani ng suspek. "Narinig ko kasi na papatayin nila ako gamit ‘yong unan, para pagdating ng asawa ko bukas, papalabasin nila na binangungot ako."

"Inunahan ko na sila. Bawat lapit nila sa akin, sinaksak ko na. Lahat sila nakasugod sa akin, lumaban sila sa akin, kaso lang wala silang kutsilyo."

Hindi nagtamo ng sugat o galos ang suspek, na sinabing nakainom siya noong mangyari ang insidente dahil kaarawan niya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang tingnan ang mga anggulo, tulad ng posibilidad na may kasabwat ang suspek sa krimen. — may ulat ni Rowegie Abanto, ABS-CBN News