Nanay, dalawang anak ginilitan; padre de pamilya, itinurong suspek | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nanay, dalawang anak ginilitan; padre de pamilya, itinurong suspek

Nanay, dalawang anak ginilitan; padre de pamilya, itinurong suspek

Annie Perez

Clipboard

CEBU — Patay ang isang ina at dalawa niyang anak matapos umano silang gilitan ng kaniyang live-in partner sa Naga City, Cebu nitong Lunes.

Kuwento ng mga residente, nangyari ang krimen sa mismong bahay ng pamilya sa Barangay Lutac. 

Narinig umano nila ang malakas na pagtatalo sa loob ng bahay. Nagulat anila sila nang makitang may mga sugat na sa leeg ang tatlong biktima na nakahandusay sa sahig.

Sa tulong ng mga residente sa kalapit na barangay, naaresto ng pulisya ang suspek nitong Lunes ng hapon.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ni PSSgt. Ariel Yap, imbestigador ng Naga City police, na ginilitan ang mga biktima ng matalim na bagay na tila bolo na may habang 18 pulgada.

Nasa edad 32 ang ina habang edad 2 at 11 ang kaniyang mga anak.

Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek, pero nabaril siya ng pulisya sa kaniyang tuhod at ngayo'y nagpapagaling sa ospital.

Nahaharap sa kasong double parricide at murder ang suspek, na sangkot rin umano sa ilegal na droga.

Nananawagan ang pamilya ng mga biktima ng hustisya.


IBA PANG ULAT:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.