Pulis sa North Cotabato dinukot umano ng armadong grupo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis sa North Cotabato dinukot umano ng armadong grupo

Pulis sa North Cotabato dinukot umano ng armadong grupo

Arianne Apatan,

ABS-CBN News

Clipboard

PRESIDENT ROXAS, North Cotabato - Dinukot ng mga di pa kilalang armadong lalaki ang deputy chief of police ng bayan Huwebes ng gabi.

Sapilitan umanong kinuha ng 4 na armadong lalaki si Insp. Menardo Nisperos Cui nang mapadaan ito malapit sa HMB Videoke Place bandang alas-8:30 ng gabi, ayon sa 2 babaeng nakasaksi sa pandurukot.

Pumunta ang 2 babae, na parehong nagtatrabaho sa karaoke bar, sa pinakamalapit na checkpoint upang i-report ang nasaksihang insidente.

Bukod sa 4 na lalaking kumuha kay Cui, 6 na iba pang armadong kalalakihan ang nakitang naka-abang malapit sa karaoke bar, anila.

ADVERTISEMENT

Agad na umalis ang grupo patungo sa direksyon ng Barangay Binay sa bayan ng Magpet, North Cotabato, ayon sa mga saksi.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Bagama't malapit dito ang mga bayan ng Antipas at Arakan - mga kilalang balwarte ng New People's Army - hindi muna nagbigay ng pahayag ang mga pulis kung anong grupo ang maaaring nasa likod ng pagdukot kay Cui.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.