'Tinuro' lang: Babae sa viral video, itinangging sinaktan ang taxi driver | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tinuro' lang: Babae sa viral video, itinangging sinaktan ang taxi driver

'Tinuro' lang: Babae sa viral video, itinangging sinaktan ang taxi driver

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 27, 2017 09:09 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - (UPDATE) Itinanggi ng babaeng drayber ng pribadong sasakyan na sinampal o sinaktan niya ang isang taxi driver na nakaalitan niya sa Congressional Avenue, Quezon City nitong Disyembre 17.

Ipinaliwanag ni Cherish Sharmaine Interior na tinuro lang niya ang driver na si Virgilio Doctor nang kanyang ipasok ang kamay sa bintana ng taxi.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Dumaan ako sa side niya at tinuro ko siya na nakapasok ang mga daliri ko sa bintana. At ng lumabas siya ay umarte na siya at pinalabas na sinapak ko daw siya dahil may nakita siyang nagvivideo," sabi ni Interior sa kanyang sinumpaang salaysay.

Iginiit din ni Interior na ang naging reaksiyon nila ng kanyang kasama ay "natural" lalo't nauna umanong nakapanakit ang taxi driver nang tinangka ng matandang takasan sila.

ADVERTISEMENT

"Pilit siyang tumakas at noong hinarang ko siya ay inabante niya [ang sasakyan] at tinamaan ang tuhod ko. At nung bumaba siya, pagbukas niya ng pintuan, tinamaan ang asawa ko, sabay sinabihan kami ng baliw," aniya.

Kuwento ni Interior, nagsimula ang insidente nang gitgitin sila ng taxi sa Congressional Avenue sa pagnanais na makalusot o maka-overtake. Halos mabangga pa aniya ng taxi ang kanilang Honda City.

Lumabas lang umano ang kanyang kasama para makuha ang detalye ng sasakyan at maiulat sa mga awtoridad. Pero pinipilit aniya ng taxi driver na sila ang nag-cut.

Giit pa ng BPO supervisor, nang mga panahon na iyon ay nag-alala sila nang husto sa kaligtasan ng kanyang anak na ihahatid sana nila sa Christmas party.

Pinabulaanan naman ni Doctor ang mga paratang ni Interior na tinawag niya ang babaeng drayber na baliw. Hindi rin umano siya nanakit at siya pa nga ang inabot ng kamay ni Interior sa tainga, bagay na hanggang ngayon kanya pa ring iniinda.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Luzel Pasaylo, pasahero ni Doctor, hindi niya nakitang sinaktan ng taxi driver si Interior o ang kanyang kasama. Naka-lock din aniya ang pinto ng taxi dahil pareho na silang takot sa galit ng naninigaw sa kanila.

"Kasi nahampas na po kami jan sa taxi. Pilit nila pinapa-open kay kuya 'yung door pero naka-lock... Baka po pag na-open 'yun baka nga po manuntok 'yung guy kasi 'yun 'yung una pong nag-atake sa taxi," kuwento niya sa ABS-CBN News.

"Si kuya nakita ko that time mas 'yung takot 'yung umiral kaya gusto na din sana niya umalis para siguro umiwas na lang sana kaso di nga talaga siya pinaalis," dagdag pa ni Pasaylo.

Saglit nakunan ni Pasaylo ng video ang pagharang ni Interior sa taxi at narinig pa itong sumisigaw na,"banggain mo ko ngayon." Agad aniya niyang sinara ang camera sa takot na baka magalit pa sa kanya sina Interior.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi na aniya nakunan ng video ang paghampas umano ng golf club sa taxi.

ADVERTISEMENT

Una nang nagsampa ng reklamong unjust vexation, slight physical injuries, at malicious mischief si Doctor laban kay Interior. Iginiit ng taxi driver na sinapak siya ng babae at pinagmumura.

Inamin na rin ng driver na binusinahan niya ang sasakyan nina Interior sa kagustuhang makalusot. Humingi na umano siya ng tawad pero hindi siya pinaalis at sinaktan pa ng nakaalitan.

Nabidyuhan ang bahagi ng insidente. Pero ayon sa mga saksi, ang mga naunang nangyari ay hindi nakuhanan. --ulat mula kay Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.