Sumbong na 3 sa Davao naturukan ng Dengvaxia, iniimbestigahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sumbong na 3 sa Davao naturukan ng Dengvaxia, iniimbestigahan

Sumbong na 3 sa Davao naturukan ng Dengvaxia, iniimbestigahan

ABS-CBN News

Clipboard

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang tatlong bata sa Davao na sinasabing nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Noong isang linggo nag-report sa DOH ang mga magulang at guardian ng mga bata.

Dalawa sa kanila, kalilipat lamang sa Davao City.

Ang isang bata, sa Maynila nabigyan ng Dengvaxia habang ang isa naman ay sa Cebu City. Samantala, dalawang beses naman nabakunahan sa isang private clinic sa Davao ngayong taon ang isa sa tatlo.

ADVERTISEMENT

"Yung dalawa hindi pa nagpapakita sa amin. Kailangan malaman namin ang petsa ng vaccination at kung ilang beses na silang nabakunahan," ani Dr. Annabelle Yumang, assistant regional director ng DOH-Davao.

Inatasan na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang City Health Office na imbestigahan at i-monitor ang kondisyon ng mga bata.

Nagpadala na rin ng sulat ang DOH-Davao sa mga pribadong ospital at clinic sa Davao region para malaman kung may nabakunahan silang bata.

Mayroon kasing ibang clinic na nakabili ng dengue vaccine.

Ang Dengvaxia ay parte ng national immunization program ng gobyerno ngunit naipatupad pa lamang ito sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, at ilang bahagi ng Visayas.

Sinuspende na ang dengue vaccine program habang nagkakaroon ng imbestigasyon ang Kongreso.

Naging kontrobersiyal ang bakuna matapos sabihin ng manufacturer nitong Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng mas malalang dengue sa mga nabakunahang hindi pa nagkakaroon ng nasabing sakit.

--Ulat ni Vina Araneta, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.