Mga grupong tutol sa SOGIE bill, nagsanib-puwersa sa EDSA | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga grupong tutol sa SOGIE bill, nagsanib-puwersa sa EDSA

Mga grupong tutol sa SOGIE bill, nagsanib-puwersa sa EDSA

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagtipon-tipon nitong Sabado sa People Power Monument ang mga miyembro ng iba't ibang religious groups upang tutulan ang pag-usad sa kamara ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) bill.

Sa pamumuno ng grupong Christian Coalition for Righteousness, Justice and Truth, inirereklamo nila ang pagkakaroon pa umano ng sariling batas ng mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

Depensa nila, nakapaloob na ang mga karapatan ng lahat sa Saligang Batas.

"Hindi puwede maiba ang pundasyon. Bakit pa gagawa ng ganun eh hindi na kailangan?" ani Ed de Guzman ng grupong Intercessors for the Philippines.

ADVERTISEMENT

"Susunod niyan same-sex marriage na," ayon naman kay Dan Balais ng parehong grupo.

Ang SOGIE bill, na pumasa na sa ikatlong pagbasa sa House of Representatives, ay layong magbigay proteksyon sa mga LGBT laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon.

Mabigat ang multa dito na naglalaro mula P100,000 hanggang P500,000.

Nilinaw ng mga grupo na hindi sila kontra-LGBT pero hindi naman daw kailangan pang gumawa ng bagong batas para sa kanila.

Mas dapat umanong pagtuunan ng pansin ang problema sa pamilya ng mga LGBT.

Balak ng grupo na magdaos ng programa hanggang alas-7 ng gabi at sila ay hihilera sa gilid ng EDSA hawak ang mga kandila mula Ortigas hanggang Santolan.

May 4,000 umano ang inaasahan nilang makikilahok sa protesta.

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.