Lalaking may baril, nagwala; ama, naglabas ng espada | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking may baril, nagwala; ama, naglabas ng espada

ABS-CBN News
Published Dec 11, 2017 09:27 AM PHT

Mag-ama, arestado sa Pasay nang maabutan umano ng pulis na nagwawalang may baril ang 30-anyos na anak at sugurin umano sila ng 63-anyos na ama na may patalim pic.twitter.com/W0zascdx9m
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) December 10, 2017

MANILA - Dinampot ang isang lalaki at kaniyang 63-anyos na ama matapos umanong mahulihan ng baril at patalim nang puntahan ng mga pulis ang kanilang bahay sa Maricaban, Pasay, Linggo ng gabi.

Ikinasa ang operasyon matapos magwala sa tapat ng bahay si Renato Ibisate Jr. alyas "Toto Backdive," 30, habang bitbit ang kalibre .38 na baril, ayon sa mga pulis.

Sinorpresa aniya nila ang suspek kaya nahuli ito. Pero bigla umanong lumabas ang ama niyang si Renato Ibisate Sr., dala ang isang samurai sword na nasa bakal na baton.

Sinipa umano ni Ibisate Sr. si PO3 Joede Rizare at tinangkang bawiin ang anak sa mga pulis. Napigilan siya ng iba pang operatiba bago tuluyang nakumpiska ang kaniyang patalim.

ADVERTISEMENT
Iginiit naman ng nakababatang Ibisate na hindi sa kanila ang mga nakuhang sandata at bigla lang pinasok ng mga pulis ang kanilang bahay.

Sinabi naman ng mga barangay official na ilang beses nang inireklamo si Ibisate dahil sa paglalabas at pagpapaputok ng sumpak. May hinaharap din anila itong reklamo kaugnay ng pananakit sa nakaalitang kapitbahay nitong Nobyembre.

Nakatakdang sampahan ang mag-amang Ibisate ng kasong illegal possession of firearms at possession of deadly weapons. Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News