6 sugatan matapos tumagilid ang isang van

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2016 01:27 PM

Kuha ni Bayan Patroller Raul Orlanda Jr.

Anim na tao ang sugatan matapos tumagilid ang isang sasakyan sa kahabaan ng EDSA Ortigas Flyover (southbound) Biyernes ng umaga.

Ayon sa MMDA, naalis ang tumagilid na Toyota Tamaraw FX 10:20 a.m. matapos nitong magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

--with reports from Raul Orlanda Jr.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.