TINGNAN: Obelisk rotunda sa bayan ng Ipil, tila naging 'candy city' sa Christmas decors
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Obelisk rotunda sa bayan ng Ipil, tila naging 'candy city' sa Christmas decors
RJ Rosalado,
ABS-CBN News
Published Dec 08, 2019 09:16 AM PHT

Nagmistulang 'candy city' ang sentro ng bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay matapos ang opisyal na pagbubukas ng Christmas lights, Sabado ng gabi.

Sentro ng dekorasyon ang obelisk rotunda na nilagyan ng mga Christmas lights at mga makukulay na decorations na hugis candy at iba pang sweets.

Ayon kay Congresswoman Ann Hofer ng 2nd District ng Zamboanga Sibugay, pinili nila ang konsepto ng 'candy city' para masiyahan ang mga bata at maengganyo silang pumasyal sa lugar.

Naglagay din ng isang Belen malapit sa rotonda bilang paalala sa mga residente kung ano ang totoong diwa ng Pasko.
Naglagay din ng isang Belen malapit sa rotonda bilang paalala sa mga residente kung ano ang totoong diwa ng Pasko.
ADVERTISEMENT
Pinailawan din ang mga center-road island ng mga Christmas lights.

Highlight naman sa ceremonial switch-on activity ang higit limang minutong fireworks display.

Ayon sa ilang residente, naging daan din ang aktibidad para magkaroon sila ng family bonding at maipasyal ang kanilang mga anak.

Ayon kay Hofer, ang obelisk rotunda ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga taga-Zamboanga Sibugay sa kabila ng mga pagsubok at para maisakatuparan ang kanilang adhikaing umunlad bilang isang probinsya.

Itinuturing din ni Hofer na sentro ng Zamboanga peninsula ang bayan ng Ipil kaya isinusulong niya sa kongreso na gawin na itong isang syudad, bagama’t hindi pa ito umabot sa required annual income.

Naghain si Hofer ng isang panukalang batas na magbibigay ng exemption sa Ipil at sa iba pang mga capital town ng ilang probinsya sa income requirement bago maging isang ganap na syudad.

Sa ilalim ng batas, dapat umabot ng P100 million ang annual income ng isang bayan bago ito maging isang syudad.