Paggamit ng cellphone habang naglalakad sa lansangan, ipinapanukalang ipagbawal sa Baguio | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paggamit ng cellphone habang naglalakad sa lansangan, ipinapanukalang ipagbawal sa Baguio

Paggamit ng cellphone habang naglalakad sa lansangan, ipinapanukalang ipagbawal sa Baguio

Justin Aguilar,

ABS-CBN News

Clipboard

Hati ang reaksyon sa panukalang ordinansa.

BAGUIO CITY - Isinusulong ngayon sa konseho ng Baguio City na ipagbawal ang paggamit ng mga mobile electronic device habang naglalakad sa mga lansangan.

"It's a very sad reality that many among us use their cellphones and gadgets to the detriment of themselves or the general public. Kasi kung sino-sinong mababangga nila or habang nagtetext mabubundol sila ng sasakyan, mahuhulog sila sa butas or tatama sa poste kasi nga yung concentration nila, nasa kanilang device," sabi ni city councilor Leandro Yangot.

Si Yangot ang may-akda ng panukala na tinatawag na "Anti-Distracted Pedestrian Ordinance in the City of Baguio."

Ayon kay Yangot, alinsunod ang ordinansa sa Section 16 ng General Welfare Clause ng Local Government Code of 1991 o Republic Act 7160 kung saan nakasaad na kailangang bigyan ng sapat na pagpapahalaga ang kapakanan at kaligtasan ng publiko.

ADVERTISEMENT

Hati naman ang reaksyon ng ilang pedestrian sa panukalang ordinansa.

"Kunwari po, naglalakad ka tapos mamaya may nanti-trip sa'yo, at least hindi mo sila maririnig. Kaya para sa akin po, hindi po magandang alisin ang paggamit ng cellphone kasi mas importante rin po saming mga estudyante," kwento ni Marie Drio.

"Pwede na rin kasi pag naglalakad tayo habang nagpho-phone pwedeng madisgrasya tayo, manakaw yung phone natin," sabi naman ni Zacharry Manzano.

Naipasa na sa unang pagbasa ng konseho ng Baguio ang panukala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.