Kasambahay sa Malabon, timbog sa pagnanakaw | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kasambahay sa Malabon, timbog sa pagnanakaw

Kristine Sabillo,
ABS-CBN News
Published Dec 05, 2017 05:48 AM PHT

Arestado ang isang kasambahay matapos umanong magnakaw ng pera at alahas ng kanyang amo sa Barangay Hulong Duhat, Malabon.

Mahigit P60,000 at mga alahas ang natagpuan sa kwarto ni Lerma Padon.

Itinanggi naman ni Padon ang paratang sa kanya. Sabi niya, natagpuan lang niya ang pera at naisipang itago ito upang hindi makuha ng mga trabahador ng kanyang amo.

Natakot lang daw siyang ilabas ang pera dahil pinagbintangan na siya, dagdag niya.
Natakot lang daw siyang ilabas ang pera dahil pinagbintangan na siya, dagdag niya.
ADVERTISEMENT
Ayon naman sa pamilya Tanchoco, matagal na silang nawawalan ng pera pero hindi nila magawang pagdudahan si Padong dahil pinagkakatiwalaan nila ito.

Noong Oktubre ay pinasok sila ng magnanakaw at nakunan ng P1.1 million na cash. Nasunugan naman sila noong Nobyembre.

Pagkatapos daw noon ay sunod-sunod ang mga misteryosong insidente gaya ng paghulog ng mga gamit sa ikalawang palapag.

May mga nasusunog din daw na mga gamit sa kanilang bahay na si Padon ang unang nakakakita.

Dahil sa takot, tumawag ang pamilya ng mga albularyo at nitong huli ay isang pari naman. Sinabihan sila na malamang tao ang may gawa nito.

Ayon sa pamilya, nang mawalan ulit sila ng gamit ay sinumbong na nila sa pulis at doon sa kwarto ni Padon nakuha ang mga nawawalang pera at alahas.

Mahaharap si Padon ng qualified theft at tinitingnan ng pulisya kung pwede siyang kasuhan ng arson.