TINGNAN: Mahigit 3,000 Lumad, nagsimula nang dumagsa sa Davao para sa Pasko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Mahigit 3,000 Lumad, nagsimula nang dumagsa sa Davao para sa Pasko

Bonna Mae Pamplona,
ABS-CBN News
Published Dec 03, 2016 05:06 PM PHT

DAVAO CITY — Nagsimula nang magdatingan sa Davao City ang mga indigenous people na Lumad para humingi ng mga pamasko sa mga Dabawenyo.

Pero bukod sa mga Lumad na naninirahan sa mga malalayong bukid sa Davao, kapansin-pansing mas marami sa kanila ay nanggaling pa sa Davao del Norte, Surigao City, Cotabato City, Bukidnon at ilang karatig na lugar sa Davao City.

Ayon kasi sa mga Lumad, sabik silang gunitain ang panahon ng kapaskuhan sa Davao lalo't dito nakatira si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon naman kay Davao City Mayor Sara Duterte, taga-Davao man o hindi, may inihandang regalo ang lokal na pamahalaan sa kanila.

Taon-taon nang tradisyon ng mga Lunad na bumiyahe sa Davao City para humingi ng regalo at ayuda.

Una nang ipinahayag ng City Social Services and Development Office na ngayong taon, hindi na kailangan pang pumunta ng mga Lumad sa poblacion ng Davao City dahil kabilang sa Pasko Fiesta sa Davao 2016 ang pagbisita ng mga social workers sa mga malalayong komunidad para personal na bigyan nang tulong at aginaldo ang mga Lumad.

Sa ngayon, pitong shelter areas ang pansamantalang tirahan ng mga Lumad na aabot na sa 3,000 pamilya.

Araw-araw, dalawang kilo ng bigas, tinapa at noodles ang ipinamimigay sa bawat pamilyang Lumad.

Papayagan silang manatili sa lungsod hanggang Disyembre 8, bago sila ihahatid ng lokal na pamahalaan sa kani-kanilang lugar.