Lalaking inagawan ng mic sa videoke, nagwala | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking inagawan ng mic sa videoke, nagwala

Lalaking inagawan ng mic sa videoke, nagwala

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Dinampot ang isang lalaking nagwala at nagbasag umano ng mga bote ng beer matapos agawan ng mikropono sa isang videoke bar sa Quezon City, Linggo.

Kuwento ni Emillio Culambo, 26, kumakanta siya ng "Kasalanan" nang bigla siyang agawan ng mic at suntukin ng isang lalaki sa Blue Grey Kitchenette sa Kamias Road. Pero tumakbo lang aniya siya at hindi siya ang nagwala sa bar.

"Binigay ko na [ang mic], sa 'yo na iyan. Bigla akong sinapak. Pagsapak sa akin, tumakbo na ako. Eh ang laki-laking tao nun. Kaya ko ba yun?" sabi ni Culambo.

"Wala akong kasalanan d'yan. Hindi ako nagbasag talaga."

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa empleyado ng bar na si Rodel Silvino, si Culambo ang unang nagbasag ng bote at nakasugat sa kanya.

"Nasa loob ako ng kusina, pinagluluto ko sila ng pulutan. Paglabas ko, nagbabasag na sila ng bote. Binasag niya yung isang bote... tinamaan ako," ani Silvino.

"Yung kainuman niya, nagbato ng bato. Tinamaan niya yung salamin namin. Yung 2 pinto namin nabasag," dagdag niya.

Nanawagan naman si Culambo sa kanyang mga kasamahan na sabihin ang totoo. Aniya, "Bakit ako lang idinidiin nila? Wala ba ito? Wala bang hustisya ito?"

Tinitingnan pa ng pulisya kung ipauubaya na lang sa barangay ang kaso at kung makakalaya rin si Culambo.

- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.