7 dayuhan nailigtas sa lumubog na barko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 dayuhan nailigtas sa lumubog na barko
7 dayuhan nailigtas sa lumubog na barko
Cheyenne A Mangompit,
ABS-CBN News
Published Nov 23, 2017 05:26 PM PHT

GENERAL SANTOS CITY - Ligtas at nasa mabuti nang kalagayan ang 7 dayuhan matapos bumangga ang kanilang fishing vessel sa isang barko sa karagatan ng Caraga Lunes ng hapon.

Lumubog umano ang sinasakyan ng 2 Japanese at 5 Indonesians nang mabangga nito ang harapang bahagi ng fishing vessel Jocelyn. Niligtas sila ng mga mangingisda na lulan ng nabanggang barko.

Batay sa salaysay ni Rolly Rocamora, kapitan ng barkong “Jocelyn”, mabilis umano ang takbo ng barko ng mga dayuhan.

Tinangka pa nilang umatras pero naabutan pa rin ang harapang bahagi ng kanilang fishing vessel na naging dahilan para lumubog ang barko ng mga dayuhan.

ADVERTISEMENT
Agad namang tinulungan ang mga dayuhan ng mga lokal na mangingisda.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng General Santos Fishport Coast Guard ang mga nasabing banyaga.