Mga pulis-Leyte na tumanggi sa suhol, pinarangalan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga pulis-Leyte na tumanggi sa suhol, pinarangalan

Mga pulis-Leyte na tumanggi sa suhol, pinarangalan

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinarangalan ang mga pulis sa kanilang katapatan sa serbisyo matapos tanggihan ang higit P700,000 halaga ng suhol sa Carigara, Leyte. Larawan mula sa Police Regional 8.

Tumanggap ng medalya ng papuri ang ilang mga pulis sa Leyte matapos tanggihan ang umano’y panunuhol ng ilang suspek sa operasyon laban sa mga nagbibiyahe ng agarwood.

Kabilang sa tumanggap ng medalya sina Police Major Jimmy Boy Balasanos, hepe ng Carigara Police, at Captain Luis Hatton ng tracker team ng Leyte Police Provincial Office.

Sa operasyon nitong Nobyembre 3 sa Carigara, Leyte nakuha ang nagkakahalagang P200,000 na agarwood na dala ng pitong mga suspek.

Ang agarwood ay ginagamit sa paggawa ng pabango, insenso at marami pang iba.

ADVERTISEMENT

Napag-alaman pa na tinangkang bayaran ng P704,000 ang operatiba pero tinanggihan ito ng mga pulis.

Ayon kay Balasanos, ginampanan nila ang kanilang tungkulin na ipatupad ang batas.

“Kailangan po yung maging tapat tayo sa serbisyo at sa internal cleansing po dapat trabaho lang magsilbi sa bayan kung anuman ang mga ibinibigay na mga suhol, hindi dapat talaga tanggapin dapat lang gampanan ang tungkulin,” sabi niya.

Ayon naman kay Police Brigadier General Ariel Arcinas, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 8, ang ginawa ng mga pulis ay pagpapakita lamang na may mga tapat pa sa kanilang tungkulin.

“Ang kapulisan natin hindi tino-tolerate yung ganoon mga activities…P700,000 is a lot of money especially dito sa Eastern Visayas. I commend the chief of police ng Carigara Municipal Police Station, Police Major Jimmy Boy Balasanos for his action,” sabi ni Arcinas.

Kinasuhan ng paglabag ng Presidential Decree 705 ang pitong mga suspek, na nakapagpiyansa na.

Naibigay naman na sa pangangalaga ng sa City Environment and Natural Resources Office sa Palo ang nakumpiskang agarwood.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.