35 milyong Pinoy, 'high blood' kung batay sa bagong pamantayan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
35 milyong Pinoy, 'high blood' kung batay sa bagong pamantayan

ABS-CBN News
Published Nov 20, 2017 11:33 PM PHT

Tinatayang aakyat sa 35 milyong Pinoy ang maituturing na "high blood" sa bansa kapag sinunod ang bagong guidelines ng Amerika tungkol sa blood pressure (BP).

Batay kasi sa bagong guidelines na inilabas ng American Heart Association at American College of Cardiology, ang normal na BP ay 120/80 at pababa.

Magsisimula naman sa 130/80 ang stage one ng hypertension.

Base sa datos ng Philippine Heart Association, mayroong 25 milyong Pinoy na hypertensive sa ngayon.

ADVERTISEMENT
Kung ipatutupad ang bagong guidelines sa BP, tinatayang lolobo ang bilang na iyan sa 35 milyong Pinoy na may high blood.

Ayon sa Department of Health, pag-uusapan pa ito kung susundin sa Pilipinas.

Magkaganoon man, pabor sa bagong pamantayan si Health Secretary Francisco Duque III.

"Maganda rin siya although it's not necessarily dapat to resort immediately to medication. So maraming mga healthy lifestyle interventions na puwedeng gawin para nang sa gano'n, huwag tumaas [ang BP]," ani Duque.

"Pabata nang pabata ngayon ang may hypertension. Maraming mga pasyente, ngayon tumaba, kapag tumaba ang pasyente, tataas ang cholesterol, blood pressure, diabetes... tapos marami pang ibang sakit," paliwanag naman ni Dr. Anthony Leachon, cardiologist at president ng Manila Doctors Hospital.

Dagdag ni Leachon, importante ang tamang edukasyon at impormasyon tungkol sa hypertension.

Ugaliing magpa-check ng BP lalo na kung may diabetes, sakit sa puso, at may lahi ng high blood.

Iwasan din ang pagkain ng maaalat at mga bisyo.

Ugaliin ding mag ehersisyo kahit ang paglalakad lang ng 30 minuto kada araw ay malaking bagay na para gawing normal ang blood pressure.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT