Bagon ng MRT kumalas, mga pasahero naglakad sa riles | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagon ng MRT kumalas, mga pasahero naglakad sa riles

ABS-CBN News
Published Nov 16, 2017 11:01 AM PHT
|
Updated Nov 16, 2017 04:13 PM PHT

MNAILA- (UPDATE) Naantala ang ilang biyahe ng Metro Rail Transit-3 matapos humiwalay ang isang bagon mula sa ibang bahagi ng tren, Huwebes.

Base sa larawan ni Ivan Caballero Villegas, naiwan sa gitna ng riles sa pagitan ng Ayala at Buendia station ang sinasakyan nilang bagon habang patuloy na papalayo ang unang bahagi ng tren.

"Eksena sa MRT. Umaandar, sabay biglang bitaw ng huling MRT Bus," saad ni Villegas sa isang Facebook post kung saan nakalakip ang larawan ng naiwang bagon.

Kinumpirma ni Cesar Chavez, Department of Transportation Undersecretary for Railways ang insidente, bagaman wala namang pasaherong nasaktan mula sa pagkakakalas ng bagon.

ADVERTISEMENT
Pinababa naman ang mga pasahero ng MRT.
Pinababa naman ang mga pasahero ng MRT.
"Around 130 to 140 passengers were evacuated by the combined security guards from Buendia and Ayala Station," ani Chavez sa isang pahayag.

"Passengers were evacuated from the detached train going to Ayala Stn platform in about 8 to 10 minutes," dagdag niya.

Ayon kay Chavez, bumalik sa normal na operasyon ang MRT bandang 9:30 ng umaga.

Sa isang press conference Huwebes ng hapon, sinabi ng mga opisyal ng MRT na iniimbestigahan pa nila ang insidente.

Kwento ng drayber ng tren na si Reynaldo Año, nagkaroon umano ng problema sa komunikasyon sa tren at nagulat na lamang siya nang makitang 2 na lang ang bagon ng tren pagdating ng Buendia.

"Nagkaroon po ng communication error car number 3...Tinawag ko po sa control na may communication error... Pagdating ko po sa Buendia nakita ko na lang po 2 car na lang ako," aniya.

Paliwanag naman ni Michael Capati, director for operations ng MRT, hindi elektrikal ang naging problema sa humiwalay na bagon at iniimbestigahan pa nila kung problemang mekanikal o "human intervention" ang sanhi.

"We are actually still investigating kung ano ang nag-cause ng detachment," aniya.