40 Manila traffic enforcers, di umano pinasahod ng 1 taon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

40 Manila traffic enforcers, di umano pinasahod ng 1 taon

40 Manila traffic enforcers, di umano pinasahod ng 1 taon

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nanawagan ng hustisya ang nasa 40 kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), Miyerkoles, matapos umanong hindi pasuwelduhin nang isang taon at biglaang tanggalin sa trabaho.

Ayon sa cease and desist order, sinibak ang mga naturang miyembro ng quick response team dahil sa ilang iregularidad sa trabaho.

Itinanggi ng grupo ang akusasyon at idiniing hindi sila dumaan sa imbestigasyon bago sibakin.

"Wala kaming alam sa irregularity na yan. Lahat ng utos sa kanila galing. Ginagawa lang namin kung anong inuutos nila," sabi ni Carlos Cunanan, isa sa mga nagrereklamo

ADVERTISEMENT

Pero mas masakit umano para sa kanila ang ipinangakong P6,000 hanggang P9,000 buwanang suweldo na hindi umano nila nakuha nang mahigit isang taon.

Kuwento ni Spencer Abraham, Setyembre 2016 nagsimulang magtrabaho sa MTPB ang ilan sa mga kasamahan niya, pero wala aniyang pinapirmahang kontrata sa kanila hanggang nitong Hulyo, kung kailan lumabas ang job order.

"Ang sabi nila on process ang plantilla kaya inantay ng inantay. Nakapirma ng July pero hanggang ngayon walang pinasuweldo," sabi ni Abraham.

Hiningi ng ABS-CBN News ang panig ng MTPB, pero hindi pa ito sumasagot.

Umapela ang mga sinibak na empleyado ng pagkakataon na makausap si Manila Mayor Joseph Estrada. Pinag-aaralan din nila ang pagsasampa ng kaso.

Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.