Binatilyo patay matapos makagat ng ahas sa Davao del Sur | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binatilyo patay matapos makagat ng ahas sa Davao del Sur

Berchan Angchay,
ABS-CBN News
Published Nov 14, 2017 08:48 PM PHT

Patay ang isang 12-anyos na lalaki matapos makagat ng isang 10-talampakang ahas sa Malalag, Davao del Sur nitong Sabado.

Nakagat umano ang biktima ng isang hinihinalang cobra sa palaisdaan malapit sa kanilang bahay.

Ayon sa ama ng bata, magkasama pa umano sila sa palaisdaan nang mangyari ang insidente.

“Nakatalikod ako nung panahong iyon, bigla lang sumigaw ang anak ko at pagkalingon ko nakita ko nalang nakagat na siya at pagapang-gapang ang ahas,” ayon sa ama ng biktima.

ADVERTISEMENT
Isinugod ng mag-asawa ang natatangi nilang anak sa albularyo.

Nagpaalala naman ang City Veterinary Office na tumungo agad sa ospital sakaling makagat ng ahas.

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), mag-ingat at lumayo kapag nakakita ng ahas.

“Meron pa rin siyang papel na ginagampanan sa ecosystem... In case life-threatening situation ay maaaring patayin natin ito ngunit kapag pwede pang makatakbo ay lumayo na lamang,” ani Romeo Bacalso, hepe ng DENR-Malalag Conservation and Development office.

Namataan naman nitong Martes ang isang hinihinalang 9-talampakang cobra sa Sitio Buongon, malapit sa lugar kung saan nakagat ang bata.

Nag-abiso rin ang DENR na agad i-report sa kanila tuwing may snake sighting sa lugar.