Biktima ng Yolanda? Bungo, mga buto ng tao, natagpuan sa Tacloban | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biktima ng Yolanda? Bungo, mga buto ng tao, natagpuan sa Tacloban

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Nov 07, 2017 06:33 PM PHT

Hinihinalang isa sa libu-libong biktima ng bagyong Yolanda ang bungo at mga buto ng tao na nadiskubre mula sa mga abandonadong bahay sa isang subdibisyon sa Tacloban City.

Maglilinis sana kahapon ng kanilang bakuran si Romulo Priscilla ng Peerless Subdivision sa Tacloban City nang makita ang bungo at mga buto ng tao na natatabunan ng mga basura malapit sa mga abandonadong bahay.

Agad nila itong ipinagbigay-alam sa pulisya.

Kuwento ni Priscilla, itinigil muna nila ang kanilang paglilinis habang hindi pa nakukuha ang mga buto ng tao.

ADVERTISEMENT
Dagdag pa niya, malaki ang posibilidad na ang mga buto ng tao na kanilang nakita ay naging biktima ng bagyong Yolanda dahil marami ang namatay sa kanilang lugar noong magka-storm surge.

Sabi pa niya mayroong batang lalaki ang nagpaparamdam din sa kanyang kapatid na parang humihingi ng tulong mula sa mga abandonadong bahay.

Dinala na sa Regional Crime Laboratory ang nasabing mga buto ng tao at isasailalim sa DNA test.

Samantala, inihahanda na ang Yolanda mass grave sa Barangay Basper sa Tacloban kung saan inaasahan dadagsa ang survivors para mag-alay ng dasal para sa mga namatay sa kalamidad.

Inaayos na rin ang platform kung saan gaganapin ang misa bukas ng umaga. Sa hapon naman ay magkakaroon ng candle light memorial sa downtown area ng Tacloban at sa relocation sites.

Siniguro na rin ng Tacloban City Police Office ang seguridad sa mga lugar kung saan magkakaroon ng mga aktibidad na may kinalaman sa anibersaryo ng bagyo Yolanda.