Maglola patay matapos madaganan ng dambuhalang puno sa Basilan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maglola patay matapos madaganan ng dambuhalang puno sa Basilan

ABS-CBN News
Published Nov 02, 2019 03:56 PM PHT

ISABELA CITY, Basilan — Patay nitong Sabado ang isang lola at kaniyang apo matapos silang madaganan ng dambuhalang puno ng acacia na natumba sa kanila mismong bahay sa lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon, natutulog ang lola, 73, at kaniyang apo, 12, sa ikalawang palapag ng kanilang bahay nang matumba ang puno nitong madaling araw.

Sa mismong tinutulugan pa daw ng maglola bumagsak ang puno kaya hindi na sila nakaligtas.

Gawa lang din daw sa kahoy ang bahay ng maglola.
Gawa lang din daw sa kahoy ang bahay ng maglola.
ADVERTISEMENT
Nag-abot na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa pamilya ng mga biktima.

Ilang araw nang umuulan sa lugar kaya lumambot umano ang lupa na naging dahilan para matumba ang puno.

Ayon sa PAGASA, ang ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng Zamboanga Peninsula at mga karatig-probinsiya ay dulot ng isang low pressure area.

—Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News
—Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT