KILALANIN: Mag-asawang 20 taon nang nakatira sa sementeryo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
KILALANIN: Mag-asawang 20 taon nang nakatira sa sementeryo

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Oct 30, 2017 08:43 AM PHT
|
Updated Oct 30, 2017 09:52 AM PHT
MANILA - "Mas masaya manirahan kasama ang mga patay... kaysa sa mga buhay."

Ito ang pahayag ni Adinita Benavidez, na 20 taon nang naniniranan kasama ang kanyang mister sa mawsoleo ng pamilya Bagatsing sa Manila North Cemetery.

Kuwento ni Benavidez, nawalan sila ng tirahan noong 1997 matapos i-demolish ang kanilang bahay sa Manila North Green Park, ilang kanto ang layo mula sa sementeryo.

Mula noon, pinayagan ng mga Bagatsing ang pamilya ni Benavidez na manirahan sa mawsoleo kapalit ng paglilinis at pag-aalaga sa lugar kasabay ng kanilang pagtitinda ng kandila.

May sarili nang pamilya at tirahan ang mga anak nina Benavidez at mister na si Herman. Tanging kasama ng mag-asawa sa mawsoleo ang kanilang 3 aso.

Sa loob ng mawsoleo na itinuring nilang tahanan, mayroong banyo, 2 plastik na papag, 3 puntod, TV, radyo at maliit na kalan ang mag-asawa.

Bagaman sanay na silang manirahan dito, pangarap pa rin Benavidez na magkaroon ng kahit simpleng bahay.